Saturday, January 09, 2010

Mark, kikilalaning ama ng anak ni Jennylyn?!

(ABU TILAMZIK)

NATAWA si Mark Herras sa isang hula na ang ending, siya ang kikilala­ning ama ng anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz.

“Iyung sitwasyon na ganu’n, hindi naman natin alam kung ‘di ba, malay mo, someday, okay na si Jen. Maka-recover na siya sa lahat ng mga nangyari sa kanya.

“Tapos, kung hindi man ako, sabihin nating may ibang dumating sa buhay niya, hindi natin alam kung ano iyung puwedeng mangyari,” pahayag ni Mark.

Okay raw siyang ninong ni Alex Jazz pero pagdating sa pagiging ama ay wala raw sa isip niya iyun at na kay Jenny­lyn daw iyun.

Sabi ni Jennylyn noon, kung sino ang lalaking susunod niyang mamahalin at makakasama, iyun na ang ipakikilala niyang ama ng kanyang anak.

Kung si Mark man ito, hindi rin niya masasagot dahil sa ngayon ay happy na siya sa loveteam nila sa Ikaw Sana.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home