Friday, January 22, 2010

Nitz Miralles

Ang hihirap ng eksena ni Jennylyn Mercado sa Gumapang Ka sa Lusak, her next soap after Ikaw Sana na magpa-pilot sa Feb. 8. First scene pa lang ng aktres, rape scene na agad at may eksenang kailangang naka-swimsuit siya dahil ang karakter niya ay sumali sa beauty contest at magiging artista.

Kaya siguro kina-career ni Jennylyn ang pagwo-work out at nagba-bike pa bilang paghahanda sa swim suit scene niya sa bagong drama series. Aba ngan natin kung one-piece o magiging mas daring si Jennylyn at two-piece ang isusuot sa nasabing eksena.

Dine-dare pala si direk Maryo J. delos Reyes kung mapagbabati niya sina Jennylyn at Ryza Cenon na matagal ng may conflict at magkasama sa bagong afternoon soap

0 Comments:

Post a Comment

<< Home