Tuesday, February 09, 2010

by Leo M. Bukas
Monday, 08 February 2010 19:28
“BIRO lang ‘yon. Gusto ko lang maging masaya tayo!”

Ito ang reaksyon ni Jennylyn Mercado nang tanungin siya ng press kung si Patrick Garcia ba ang pinatatamaan niya ng title ng bago niyang soap opera sa GMA-7 na Gumapang Ka sa Lusak.

Nasabi lang daw niya ’yon dahil parang ’yun din ang gustong i-insinuate ng press na dumalo sa presscon.

“Wala naman akong sinabing name, ’di ba? Ang sabi ko lang, alam n’yo na kung sino ’yon. Ganu’n lang,” katuwiran pa ng aktres.

Hindi pa rin ba niya napapatawad ang ama ng kanyang anak?

“Paano mo naman patatawarin ang taong hindi naman humihingi ng tawad sa ‘yo, ‘di ba?” makahulugan niyang sagot.

“Hay naku, ’yung Gumapang na lang ang pag-usapan natin. Excited ako sa role ko rito na unang ginampanan ni Ms. Dina (Bonnevie).

“Challenging ito sa akin dahil first time kong gaganap na kabit ng isang mayor. Hahaha!” dagdag pa niya.

Kasama rin nga pala ni Jennylyn sa serye na si Maryo J. delos Reyes ang direktor sina Dennis Trillo, Sandy Andolong, Al Tantay, Mart Escudero at iba pang talents ng GMA-7.

* * *

0 Comments:

Post a Comment

<< Home