Saturday, February 06, 2010

by Nitz Miralles
Friday, 05 February 2010 20:00


Tahimik daw at pa-sweet pa ang sagot ng mga kasama ni Jennylyn Mercado sa cast ng Gumapang Ka sa Lusak na magpa-pilot sa February 8, kaya inanghangan niya ang mga sagot sa tanong sa kanya.

Hindi na raw kailangan pang pangalanan kung sino ang pinatungkulan niya sa remark na “gumapang siya forever” dahil alam na ng press kung sino ang tinutukoy niya.

Sa tanong kung true na tinanggihan niya ang financial support offer ni Patrick Garcia sa baby nila, “Wala akong tinatanggihan dahil wala silang ino-offer,” ang sagot nito.

Sa isyu kung aalis siya sa poder ni Becky Aguila gaya ni Angel Locsin, “tanungin n’yo ako after one year” ang sagot ni Jennylyn at sa tanong kung lilipat siya sa TV5, ang manager daw niya ang tanungin.

Pag-uusapan din ang role ni Jennylyn sa Gumapang Ka sa Lusak sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes dahil first day pa lang, may rape scene na siya at kung papayag siya, may eksenang magtu-two-piece siya.

Si Dennis Trillo ang kapareha ni Jennylyn sa Sinenovela ng GMA-7 sa isang bida pero bad boy role.

* * *

0 Comments:

Post a Comment

<< Home