Friday, February 26, 2010

by Nitz Miralles
Thursday, 25 February 2010 16:05

Parehong late sina Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion sa presscon nila bilang Belo endorsers ng Novashape, ang non-invasive body contouring ng Belo Medical Group. Si Jennylyn puyat sa taping ng Gumapang Ka Sa Lusak at si Valerie ay galing sa Wowowee.

Ang Novashape, multi-polar at isa pang proseso ang binanggit ni Jennylyn na mga rason para ma-attain ang 34-25-34 vital stats niya. Ipinaalis din niya ang stretchmarks na dala sa panganganak, kaya ngayon, makinis na’y, may mala-dalagang figure pa ang aktres.

Dala ni Jennylyn sa presscon ang 18-month old son niyang si AJ na ubod ng likot at habang lumalaki’y lalong nagiging kamukha ng amang si Patrick Garcia. Tuluyan na nitong kinalimutan si Patrick at ’di naiisip na magkikita pa sila kahit sa GMA Network.

Mukha ring dalaga si Valerie mula ulo hanggang paa at ‘di iisiping may 5-year-old daughter na siya. Dahil din daw sa Belo, kaya maganda at makinis siya at bukod sa Novashape, binanggit ang maraming prosesong ipinapagawa sa Belo.

* * *

0 Comments:

Post a Comment

<< Home