Monday, February 08, 2010

Di na raw bagets ang mommy.. Jennylyn, todo bigay kay Dennis

by Ambet Nabus

Ganting biro lang pala ni Jennylyn Mercado ang pagsasabing "Alam na ninyo kung sino yun", regarding sa press inquiry na kung mayroon silang pagsasabihang, "Gumapang Ka Sa Lusak", sino kaya yun?


"Para naman kasing walang katapusan ang isyu kay Patrick (Garcia). Kalan ba
makakapag- move on ang mga nagtatanong na okey na okey na kaming mag-ina at
mananatiling si Pat ang tatay nya , pero hangang du'n na lang muna yun!", paliwanag
ni Jen na magbibida sa bagong Dramarama sa Hapon ng GMA-7 na Gumapang Ka Sa
Lusak.

As Rachel na dating ginawa ni Dina Bonnevie sa movie version nito, sexy at daring
ang role but since sa TV ito, "Meron ding konti, pero iba ang treatment ni direk ( Maryo J. de los Reyes). Pero walang problema sa akin. Hindi na ako bumabata para mag-inarte pa," hirit pa ni Jen.

Si Dennis Trillo ang kanyang katambal sa soap at natutuwa ang aktres na umiba na
nga siya ng level as an actress.

Kasama rin sa serye sina Sandy Andolong, Al Tantay, Glydel Mercado, Lotlot de Leon,
Mart Escudero at marami pang iba.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home