Sunday, February 07, 2010

Hamon ni Jennylyn kay Patrick: “Kung gusto mong makita ang anak mo, alam mo kung saan kami nakatira!”

Ni RUEL MENDOZA




jennylyn mercadoSisiguraduhin ni Jennylyn Mercado na masaya siya ngayong Valentine’s Day. Sabi nga ni Jen, wala siyang ibang gustong makasama sa araw ng mga puso kundi ang kanyang anak na si Alex Jazz at ang kanyang pamilya.


“Para sa akin, ang Valentine’s Day ay hindi lang para sa mga lovers, but it’s also a family day. Kahit na nga may taping ako ng Gumapang Ka Sa Lusak sa mismong Valentine’s Day, may plano na kaming pamilya na kakain sa labas. Gusto sana naming lahat na out of town, kaso may trabaho nga kaya dinner na lang. Sana ay maaga kaming matapos sa taping,” nakangiting sabi ni Jennylyn.


Siyempre, hindi pa rin nawawala ang tanong kay Jen tungkol kay Patrick Garcia. Nakapagsalita na si Patrick na gagawa ito ng paraan para makita na ang kanyang anak. Sinubukan na raw nitong tawagan si Jennylyn pero hindi raw ito sumasagot sa kanya.


“Sa totoo lang, wala akong natatanggap na tawag or text from him. Hindi naman ako nagpalit ng number ko sa cellphone o sa bahay. Kung totoo ang sinasabi niya, sana noon ko pa siya nakausap. Eh wala naman talaga.


“Ganito na lang, kung gusto niya talagang makita ang anak niya, alam niya kung saan ako naka­tira at alam niya ang mga numero kung saan niya ako puwedeng tawagan. It’s that simple.


“Huwag lang niyang sabihin sa press ang mga hinaing niya.

Kumilos siya ng sarili niya at huwag niyang idaan sa kung kani-kanino. Naku, tama na nga ang tungkol kay Patrick. Move on na tayo, please,” pakiusap pa ni Jennylyn.


Inamin ni Jen na pinag­hahandaan na niya ang pagdating ng araw na tatanungin na siya ni Alex Jazz tungkol sa ama nito.


“Oo naman, pinaghahandaan ko ang araw na ‘yan. Sa ngayon kasi, puro kami ang nakapaligid sa kanya. Naririnig mo sa kanya ay ‘mama’ or ‘lola’ lang. Nga­yon if the time comes na magtanong na siya about his father, magsasabi naman ako ng totoo sa kanya.


“Hindi ako magsisinungaling sa anak ko. Lahat ng katotohanan ay sasabihin ko sa kanya kung bakit ganito ang nangyari sa amin. Desisyon na niya kung gusto ba niyang makilala pa ang tatay niya or hindi. Hindi ko siya babawalan kung gusto niya.

Ayokong palabasin nila na masama akong ina at tinatago ko ang anak ko!” pahayag pa ni Jen.


***


Malamang na si Dennis Trillo raw ang ka-Valentine’s date ni Jennylyn Mercado. Magkasama kasi sila sa ta­ping ng Gumapang Ka Sa Lusak sa araw na `yon.


“Araw-araw na nga trabaho ko, lagare na nga ako. Tapos, magla-lovelife pa. Paano ko pagkakasyahin ‘yun? May pamilya pa ‘ko,” sabi ni Jen.


Pero, masaya raw siya na kahit wala siyang boyfriend, hindi raw siya nababakante sa work.


“Masaya talaga and I feel so blessed. Lalo na nu’ng dumating si AJ, blessing talaga siya. Ang da­ming opportunity na dumating. Tapos, magaganda pa ‘yung mga role na nabibigay sa akin.”


Kumusta ang pakikipagtrabaho niya kay Dennis?


“Okey naman. Mas masaya. Mas nakakapagkuwentuhan na.

Mas maraming puwedeng pag-usapan.”


Hot Papa ba ang dating ni Dennis sa iyo?


“Wow! Okey ‘yun ah, may Hot Papa rin pala. Ha! Ha! Ha! Oo nga ‘no!”


Kino-consider ba niyang hot si Dennis?


“Oo naman! Oo naman, Ha ha ha!”


Puwede ba siyang ma-in love kay Dennis?


“Palagi kong sinasabi na ang ganda ng company naming dalawa na magkaibigan. Hindi mo naman masasabi baka mamaya, kainin ko pa ang sinabi ko. Pero, single naman ako, hindi naman ako nagsasara ng door. Hindi ako nagsusungit sa mga nanli­ligaw sa akin. Hindi ko masasabi. May kanya-kanya kaming buhay at may mga priorities na kailangang unahin.”


Kamusta naman ang kanyang baby na si Alex Jazz or AJ?


“Hayun, very healthy and happy. One year and five months na siya. Marami na siyang nagagawa. At makulit siya.”


Nanonood daw ang anak niya ng mga shows niya tulad ng Ikaw Sana. In fact, titig na titig daw ito kapag pinapanood siya. At hindi raw natutulog hangga’t hindi natatapos ang serye niya.


Kaya tanong namin sa kanya, eh, ‘yung show ni Patrick Garcia, pinapapanood din ba niya kay AJ?


“Ano ka ba, tulog na siya pag-6:30 ng gabi!” natatawang sabi na lang ni Jen. (ROSE GARCIA)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home