Friday, February 26, 2010



INI-LAUNCH NGA PALA ni Dra. Belo ang bagong hot mommas ng Belo Medical Group na sina Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion.

Sa press launch nito, dala-dala ni Jennylyn ang anak niyang si AJ na kamukhang-kamukha talaga ni Patrick Garcia. Siyempre, habang nakikita mo ang bagets, paulit-ulit na si Patrick pa rin ang tinatanong sa kanya.

Ganu’n at ganu’n pa rin naman ang sagot ni Jennylyn at hindi pa rin daw ito mababago. Wala pa rin sa plano niyang ipakilala ang kanyang anak sa aktor.

Dahil lagi niya itong dala-dala, posibleng magkasalubong sila ni Patrick, kaya tinanong ito kung ano ang gagawin niya kung sakaling masalubong niya ang ama ng kanyang anak. Ipapakilala ba niya ito?

Naku! Abangan n’yo na lang sa Startalk ang sagot niya. May panayam kami riyan kay Jennylyn.

Open naman daw siya sa posibilidad na magkatrabaho sila ni Patrick at hindi raw siya aatras. Trabaho lang daw ‘yun at gusto niyang ihiwalay ito sa personal niyang isyu.

Kung sakaling may pagsasamahan nga silang project ni Patrick, wala raw balak si Jennylyn na dalhin ang kanyang anak sa set.

Talagang matigas pa rin itong hindi niya ipakikita kay Patrick si AJ.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

0 Comments:

Post a Comment

<< Home