Friday, February 26, 2010

Jennylyn, masaya para kina Mark at Ynna



(ABU TILAMZIK)


SA press launch nina Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion bilang hot mommas ng Belo Medical Group, hindi pa rin maiwasang mapag-usapan ang lovelife ni Jennylyn.
Parang hindi kapani-paniwalang sa kaseksihan niyang iyun ay walang nanliligaw sa kanya.
Hanggang pa-date date lang daw sila pero wala raw nangahas na manligaw.
Mas gusto pa rin daw niyang naka-focus sa pamilya niya lalo na sa anak na si Alex Jazz na lagi niyang bitbit kahit saan siya magpunta.
Baka magkasalubong sila ni Patrick Garcia. Napaghandaan na ba niya kung ano ang gagawin nito kapag nakita ng aktor ang anak nila?
“Hindi ko pa po pinag-iisipan iyan, Hindi naman siguro kami magkakasalubong. Wala pa sa isip ko kung ano ang gagawin ko,” sagot ni Jennylyn.
Open daw siya sa posibilidad na magsama sila ni Patrick sa isang project dahil nasa iisang TV network lang sila.
Okay lang daw sa kanya iyun dahil hiwalay raw ang personal sa trabaho niya.
Sakaling matuloy iyun, never daw niya dadalhin ang anak niya sa set.
“Hindi na siyempre. Huwag na muna,” natatawang sagot ni Jennylyn na wala pa ring nabago sa desisyon niya pagdating sa isyu ni Patrick.
Hiningan na rin namin siya ng reaksyon na kay Shaina Magdayao naman ngayon nali-link si Patrick.
Umatras si Jennylyn sa kinauupuan niya at sinagot lang kami ng, “Wala na po ako du’n! Wala na akong pakialam du’n!”
***
Napag-usapan na rin namin ni Jennylyn ang tungkol kay Mark Herras, kaya tinanong na rin namin sa kanya kung na-open ba sa kanya ng dating ka-loveteam ang tungkol sa kanila ni Ynna Asistio?
“Alam ko na ‘yun. Hindi ko na kailangang i-specify. Hindi ko na kailangang ikuwento at ayokong sa akin manggaling dahil wala akong karapatang magsabi.
“Hindi ko isyu iyun, eh. Basta ako, all I can say, I’m happy for them and ‘yun, sana tuluy-tuloy na. Habaan lang nila ng pasensya nila sa isa’t isa,” pahayag ni Jennylyn.
Masaya raw siya kay Mark dahil nakikita niyang masaya na ito kay Ynna.
Hiningan namin ito ng payo para kay Ynna, “Naku! Magmahalan lang kayo. Iyun ang pinakamasarap na pakiramdam sa buong mundo, ‘yung nagmamahalan.
“So, huwag na lang sa­yangin ‘yung mga oras,” pa­tuloy ng aktres.
Siya mismo ay nagsasabing mapagmahal si Mark kaya hindi raw mabibigyan ng problema si Ynna.
Sa presscon ng Diva ay hindi na nga maitatanggi ang sweetness nina Mark at Ynna pero wala pa rin silang ina­amin.
Sa kanila raw manggagaling ang kumpirmasyon kung talagang sila na, pero sa ngayon ay close daw sila at lalo pa itong naging close dahil magkasama na sila sa bagong kantaseryeng ito ng GMA 7.
Kahit wala pa silang inaamin, sinasabi nila kung ano ang regalo nila sa isa’t isa tuwing may mga espesyal na okasyon.
Nu’ng nakaraang Va­lentine’s Day ay isang cute na aso ang ibinigay ni Mark at ito raw ang isa pa sa pinagkakaabalahang inaalagaan nga­yon ni Ynna.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home