Friday, February 05, 2010

Jennylyn Mercado, walang oras sa love life

Article posted January 21, 2010

Kasama ni Jennylyn Mercado ang kanyang anak sa pictorial ng "Gumapang Ka Sa Lusak" at kapansin-pansin na very smart at cute si AJ. Nang magpaunlak ng isang interview si Jen, we couldn't help but ask kung naghahanap na ang kanyang firstborn ng father figure. Text by Loretta G. Ramirez. Photos courtesy of GMA Network

"Hindi pa nga nakakapagsalita eh," ang natatawang sabi ni Jen. Pero inamin naman ng aktres na hindi pa niya iniisip na bigyan ng panibagong daddy ang kanyang cute baby boy na si Alex Jazz, or AJ for short.

stars"In God’s time, sa ngayon bata pa naman ako--hindi pa naman ako kailangan mag [hanap], hindi pa ako nagmamadali. Siguro darating talaga 'yung tamang [time]," ang seryosong sagot ng lead actress sa TV adaptation ng masterpiece ni Lino Brocka na Gumapang Ka Sa Lusak.

Sa ngayon daw, naka-focus si Jen sa kanyang career at family kaya wala na muna siyang time sa love life.

"Kahit naman noon eh [wala akong time sa love] pero kasi kasama ko 'yung love life ko [dati sa work]. Ngayon kasi iba na, kasi kailangang paghandaan din 'yung future ni AJ. At saka lahat nakaplano 'yung mga dapat kong gawin."

Kasama ba sa kanyang mga plans ang pagpasok ni AJ sa show business?

"Hindi nga nahihiya 'yang batang 'yan. Kasi ako naman mahiyain naman ako (laughs). Siguro hanggang endorsements lang pero wala ng showbiz. Pagtatapusin ko muna siya sa school niya, pag-aaral muna. 'Yun na muna 'yung priority niya at saka 'yun din 'yung goal ko para sa kanya--ang makatapos sa school."

Nang tinanong naman namin siya kung hindi siya nahihirapan na mag-isa niyang pinapalaki si AJ, ito ang kanyang naging pahayag.

"Masarap na mahirap. Masarap kasi wala akong ibang iniintindi kung hindi 'yung family ko lang, tapos 'yung career ko lang. 'Yun that’s it. Tapos wala na akong kailangan, walang ibang commitment."

Mapapanood pa rin si sa Ikaw Sana pagkatapos ng Family Feud. At abangan ang nalalapit na pagsisimula ng Gumapang Ka Sa Lusak sa Dramarama block ng GMA.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home