Sunday, February 07, 2010

Nel Alejandrino

Huling-huli si Jennylyn Mercado kung sino ang kanyang tinutukoy, when at the presscon ng Gumapang Ka Sa Lusak ay may nagtanong sa members of the cast at sa direktor na si Maryo J. delos Reyes kung sino, halimbawa, ang gugustuhin niyang gumapang sa lupa.

E, may pabirong nagsalita na ’yung tinutukoy niya ay sinagot siyang nasa “full house” na ito, obviously referring sa show ngayon ni Patrick Garcia sa GMA-7.

Seriously now, magandang break itong ibinigay kay Jennylyn ng GMA-7. Yes, ’di lang the role na ginampanan ni Dina Bonnevie, one of our finest actresses, in the movie version ng Gumapang Ka Sa Lupa.

No less than the genuinely talented Lino Brocka (deceased) ang nagdirek ng Gumapang.

Direk Maryo doesn’t hope to equal kung anumang pamamaraan ng pagdidirek na ginawa ni Direk Lino sa original Gumapang. In the first place, ’di raw ito sequel to the original.

Although may semblance kung anuman ang “kabuuan” ng istorya ng movie.

He doesn’t deny, though, that the characters in the movie ay ni-retain niya.

Halimbawa, Christopher de Leon has Dennis Trillo portraying him in the tv version.

Si Sandy Andolong naman ang gumanap ng role na ginagampanan ni Charo Santos. Kay Al Tantay naman napunta ang parteng played by Eddie Garcia.

Others in the cast of Gumapang Ka Sa Lupa are Lotlot de Leon, Glydel Mercado, Ronnie Lazaro, Luz Valdez, Patricia Ysmael, Ryza Cenon, Mart Escudero, Vanessa del Moral, Prince Stefan and Shaun Rodriguez.

Two “comebacking” actors are featured in the series, Julio Diaz and Michael Sandico.

Remember them?

Julio starred in several movies, before his decision to retire.

Michael, as a young actor, had appeared in films with Nora Aunor.

She is here on vacation from Chicago where he now resides with his family.

“I suggested na tumigil siya sa Pilipinas for a while and try showbiz again,” ani Direk Maryo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home