Friday, March 05, 2010

Gerald, inabsuwelto si Jennylyn

by People's Tonite
Thursday, 04 March 2010


NATATAWANG napapailing na lang si Gerald Anderson sa pangungulit ng press tungkol sa isyu sa kanila ni Jennylyn Mercado sa solo birthday preskon na ibinigay sa kanya ng Star Magic kahapon ng tanghali.

May lumabas kasing item na madalas magbabad si Jennylyn sa bahay ni Gerald sa QC.

Dahil dito, inaatake ang aktres ng fans nina Gerald at Kim Chiu.

Panimulang paliwanag ng aktor, “Kapitbahay ko kasi si Jennylyn. Siguro nagba-bike lang po, nagdya-jogging, tapos nakita po ’ata.

“Kilala ko siya, nu’ng isang beses kasi, nag-bike, tapos kasama ’yung yaya niya, ’yung yaya nagpa-picture sa akin. Pero isang beses ko lang siya nakita.”

Kung tutuusin, malayu-layo rin naman daw ang pagitan ng bahay niya at ni Jennylyn sa Vista Real sa Commonwealth Ave.

“Malayu-layo rin, ka-village lang, kailangang magkotse o mag-bike pa.

“Kasi kung nasaan ’yung bahay ko, masarap mag-biking o jogging, konti lang kasi ang bahay saka tahimik.”

0 Comments:

Post a Comment

<< Home