Friday, March 12, 2010

Jennylyn, desididong layasan si Becky


(RUEL MENDOZA)
Abante Tonite


BALITANG iiwan na rin ni Jennylyn Mercado ang kanyang manager na si Becky Aguila. Tatapusin na lang daw ni Jennylyn ang kanyang kontrata sa longtime manager niya at tuluyan na raw siyang magpapa-manage sa Viva Artist Agency.


Mula sa aming source ay napagdesisyunan na raw ni Jennylyn na bumitiw na kay Becky. Marami na raw kasi silang hindi napagkakasunduan at siguro raw ay panahon na para makagawa na ng sariling desisyon si Jennylyn sa kanyang career.


Inamin noon ni Jennylyn na pinapaubaya niya lahat ang mga desisyon sa kanyang manager. Noon daw kasi ay marami siyang hindi alam sa nangyayari sa showbiz. Pero ngayon at mature na ang pag-iisip ni Jennylyn, naisipan na raw nitong dumiskarte para na rin sa kanyang career.


Pero noong tinanong nga noon ang paglisan niya sa kanyang manager, nag-deny pa si Jennylyn dahil nga may existing contract pa siya, pero co-ma­naged na siya ng VAA. Tumatanaw pa rin daw siya ng malaking utang na loob kay Becky.


Kung matuloy nga ang pag-alis ni Jennylyn sa poder ni Becky, isa na ito sa kanyang prized talents na mawawala. Kabilang nga sa mga nawala na kay Becky ay sina Angel Locsin, Joross Gamboa, Ella Cruz at ang kauna-unahan niyang talent na si Karen delos Reyes.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home