Jennylyn lalayasan na rin ang talent manager
by Gerry Ocampo
Wednesday, 10 March 2010 19:36
MAY nagparating sa amin na gusto na ring layasan ni Jennylyn Mercado ang ma-nager niyang si Becky Agui-la.
Ayon sa tsika, hindi na raw feel ni Jen ang pagma-manage sa kanya ni Becky kaya balak nitong muling mag-alsa-balutan at tapusin na lang ang kontrata sa manager. Ang alam namin ay mina-manage rin ng Viva Films ang showbiz career ni Jen.
If ever na layasan nang tuluyan ni Jen si Becky, baka magpa-full manage na siya sa Viva Artist Management. Matagal nang na-tsi-tsismis na lalayasan ni Jen ang manager kaya hindi kami nabigla nang makara-ting sa amin na balak na na-man ng aktres na iwan ang manager.
Kapag nagkataon, isa na lang ang matitirang alaga ni Becky, si Valerie Concepcion na super-invest na ngayon sa negosyo. May water refilling station, laundry business at may franchise na rin daw ito ng Posh Nail sa The Fort.
Matatandaang unang nawala sa poder ni Becky si Joross Gamboa na sinundan ni Angel Locsin.
Sabi nga ng isang respetadong entertainment writer, ganyan daw talaga sa showbiz, walang katiyakan kung magiging loyal sa iyo ang alaga o lalayasan ka ‘pag sikat na ito. O baka talagang may ginawang ‘di maganda ang manager na natuklasan ng alaga?
-----------
Alex Valentin Brosas
pinoyparazzi
HOW TRUE NA gusto na namang layasan ni Jennylyn Mercado ang manager niyang si Becky Aguila?
May naririnig na naman kaming tsismis na hindi na raw feel ni Jen ang pagma-manage sa kanya ni Becky kaya gusto niya itong layasan. Ang nakarating na tsika sa amin, tatapusin na lang daw niya ang kanyang kontrata kay Becky at goodbye na ang kanyang magiging drama.
True ba itetch, Jennylyn? Pakisagot nga.
Ang alam namin, hati ang management ni Jen dahil pumirma rin siya ng kontrata sa Viva Films. With this, co-managed din siya ng Viva.
Hindi kaya sa Viva Artist Management siya magpapa-full manage kapag wala na siya kay Becky?
Matagal nang nasusulat na lalayasan ni Jen ang kanyang manager, so hindi na kami nabigla nang marinig namin na nagbabalak na naman ang ex-girlfriend ni Patrick Garcia na mag-alsa balutan sa poder ni Becky.
Kung matutuloy ang plano ni Jen, isa na lang ang matitirang ima-manage ni Becky, si Valerie Concepcion na ang balita namin ay super invest na ngayon sa mga negosyo. May water refilling station si Valerie, laundry wash business at may franchise na rin daw ito ng Posh Nails sa The Forth.
Bakit ba parang palaging nilalayasan ng kanyang mga alaga itong si Becky? Noong una, nawala na sa kanya si Joross Gamboa, then Angel Locsin. And now, Jennylyn? How sad naman kung sunud-sunod siyang mawawalan ng talents, ‘di ba?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home