Thursday, March 11, 2010

Nitz Miralles
Pilipino Star Ngayon

Tama ba ang nadinig namin na posibleng pumasok si Patrick Garcia sa Gumapang Ka sa Lusak na bida sina Dennis Trillo at ang ex niyang si Jennylyn Mercado? May role raw sa afternoon soap na palalakihin at babagay kay Patrick.

Umaasa ang mga nasa likod ng soap na tatanggapin ni Patrick ang role if ever i-offer sa kanya. Nabanggit na rin naman ni Jennylyn na okay sa kanyang maka*trabaho si Patrick dahil kina*li*mutan na niya ang nangyari sa kanila. Ang ’di lang alam ay kung seryoso o nagbibiro lang si Jen*nylyn sa sinabi diumano na ’pag nagkatrabaho sila ni Patrick, hindi niya isasama ang anak na si AJ sa taping.

Samantala sa Gumapang Ka sa Lusak, nakalusot si Levi sa inspection at protektado na rin siya ni Jolas sa mga gustong manakit sa kanya. Pero habang natutulog si Levi, may lalapit at balak siyang patayin. Gusto sanang labanan ni Rachel (Jennylyn) sa debate si Mayor Guatlo (Al Tantay), pero haharangin siya ni Falcon (Ronnie Lazaro).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home