Puso ni Jennylyn lumambot na uli kay Patrick
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
(Pilipino Star Ngayon) Updated March 20, 2010 12:00 AM
Mukhang lumalambot na ang puso ni Jennylyn Mercado kay Patrick Garcia dahil sa presscon ng Working Girls 2010, ayos sa kanya na magsama sila sa project at makita nito ang anak nilang si AJ, pero hindi siya ang gagawa ng move na magkita ang mag-ama.
“Okay na rin na magkita kami sa GMA Network at babatiin ko siya ’pag binati niya ako. Ang hirap nang may dinadalang mabigat. Sinabi ko namang in God’s time maaayos din ang lahat and I leave it all to God. Okay na sa aking makita niya si AJ,” sabi ni Jennylyn.
Sabi pa ni Jennylyn, nakaka-relate siya sa role niya sa Working Girls 2010 dahil single mom din siya in real life at ang pamilya lang ang katulong sa pagpapalaki kay AJ. Siya si Ada sa pelikula na ayaw nang balikan ang ama ng kanyang anak.
Sa pelikula, si Carlo Aquino ang kapareha ni Jennylyn, pero in real life matagal na siyang walang lovelife. Ang career at si AJ ang focus niya. Tuwang-tuwa nga siya na ibinalitang pumapasok na sa school ang magtu-two years old niyang anak.
* * *

0 Comments:
Post a Comment
<< Home