Friday, March 05, 2010

SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon)
Updated March 05, 2010 12:00 AM

Tatawa-tawa si Gerald Anderson nang uriratin namin kung ano ba ang totoo sa issue sa kanila ni Jennylyn Mercado.

“Hindi ko nga alam kung bakit lumaki ang issue,” sagot agad ng aktor na magbi-birthday sa March 7.

Kapitbahay ba niya si Jennylyn?

“Yup, kapitbahay ko siya. Maganda kasi sa village namin kakaunti ang tao. Puwedeng mag-bike,” paliwanag niya.

Kapitbahay as in magkatabi ba ang bahay nila?

“Hindi kailangan mo pa ring mag-kotse,” sabi niya.

Nagsimula raw ang nasabing kuwento nang siguro ay may makakita na nagpa-picture ang yaya ng anak ni Jennylyn at magpapirma pa ng autograph sa kanya habang naglalakad-lakad sa kanilang village.

Pero puwede kaya siyang ma-in love sa dalagang ina?

“Depende sa sitwasyon. Siguro pag may nakilala akong mahal na mahal ko talaga, bakit hindi. Pero ngayon hindi pa,” paliwanag ng aktor na bisi-bisihan kahapon dahil after ng nasabing tsikahan with the entertainment press, didiretso siya sa isang charity event ng mga batang may kanser.

Nagagandahan ba siya kay Jennylyn? “Oo naman, ang ganda niya, sobra.”

Ano na nga bang status ng relasyon nila ni Kim (Chiu)? “MU (mutual understanding) na kami. Masa¬ya dahil araw-araw kaming magkasama.”

Anyway, inabot pala ng P11 milyon ang ipinatayo niyang bahay. “Masakit sa ulo. Pero tapos na,” ku¬wento niya.

Binalita rin niyang mag-uumpisa na rin si Kim ng construction ng bahay nito.

Matatas na ring mag-Tagalog si Gerald dahil sa mga kaibigan niyang non-showbiz na Tagalog kung kausapin siya.

Wish ni Gerald sa kanyang 21st birthday, magpatuloy ang natatanggap niyang biyaya dahil marami pa raw siyang gustong gawin sa career niya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home