Monday, December 12, 2011

Abante Tonite -Jun Lalin


Tsinika-tsika ko rin sa backstage ng Showbiz Central si Jennylyn Mercado.

Ikinuwento ko sa kanya na maraming nag-expect noong Miyerkules sa grand finals ng VSR singing contest sa Calaca, Batangas na magpo-propose na ng kasal sa kanya ang boyfriend na si Luis Manzano.

Si Luis kasi kasama si Ruffa Gutierrez ang nag-host ng event na ‘yon ni Gov. Vilma Santos at ang ibang mga tao roon ay nag-akalang baka ‘yon na ang araw na magpo-propose ng kasal si L*uis kay Jennylyn para siya na ang maging ‘first lady’ nito since tatakbo si Luis na mayor ng Lipa City sa 2013.

“Naku, wala! Hindi pa kami nag-iisip ng ganoon,” sey ni Jennylyn.

Aminado si Jennylyn na nakakatuwa na accepted ng mga tao ang relasyon nila ni Luis at karamihan ay positive ang reaksyon sa relasyon nila.

Naikuwento sa akin ni Jennylyn na si L*uis ang nag-introduce sa kanya ng Muay-Thai at once a week daw ay ginagawa nila ang sport na ‘yon.

Aminado si Jennylyn na masaya siya sa piling ng bago niyang boyfriend at dinadalaw-dalaw pa raw siya ni L*uis kapag nagte-taping siya ng Protege.

Governor Vilma Santos introduces Jennylyn Mercado as "the girlfriend of my son Luis" to the Batangueños



Gorgy Rula

Monday, December 12, 2011
09:47 AM

Tuwang-tuwa ang mga Batangueño nang makita nilang tanggap na tanggap si Jennylyn Mercado ng pamilya ni Luis Manzano.

Naimbitahan si Jennylyn bilang isa sa mga hurado sa pakontes sa Calaca, Batangas noong nakaraang Miyerkules, December 7, bilang bahagi ng Ala Eh Festival.

INTRODUCING JENNYLYN. Si Luis naman ang host, pero si Batangas Governor Vilma Santos ang nagpakilala ng mga naimbitahan niyang mag-judge sa event na yun.

Pagdating kay Jennylyn, alanganin si Governor Vi sa pagpapakilala dahil hindi raw niya alam kung paano niya ito sasabihin.

Nagsigawan ang mga tao nang ipakilala na ito ng gobernadora, na tila nag-aalangan pa.

"We have a friend of my son, a very beautiful lady—Jennylyn Mercado.

"Jen, hindi ko alam kung papa'no ka i-address, e," ani Governor Vi kay Jennylyn.

Nagulat naman ang actress-politician nang sumingit si Luis na nasa likuran lang ng "Girlfriend."

Nagsigawan na ang mga tao.

"May permiso ba 'yan, anak? Puwede ba yun, Jen?" sabi ni Governor Vi na ibinaling ang tingin kay Jennylyn.

Tumango naman si Jennylyn, kaya ipinakilala na ni Governor Vi ang Kapuso actress bilang "the girlfriend of my son Luis, Jennylyn Mercado."

"THE GIRLFRIEND OF MY SON." Nang makausap na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Governor Vi, ipinaliwanag nito kung bakit nagkaroon siya ng hesitation kung anong pagpapakilala ang gagawin niya kay Jennylyn.

Aniya, "Kasi. kamukha kanina, hindi ko nga alam kung papano siya i-address, e, baka mamaya ako'ng tsismosang lumabas.

"Kaya, of course, the girlfriend of my son.

"And I'm happy for them kasi ano, e, at least open sila sa public that time when they were saying na 'give us time kasi we're just enjoying each other,' ayaw nilang umamin kasi hindi pa talaga.

"Ngayon, openly galing kay Lucky, galing kay Jennylyn.

"And of course, as the mom of Lucky, I'm definitely happy, very happy," masayang pahayag ng Batangas Governor.

LUIS & JENNYLYN. Sa hiwalay naman na panayam kina Luis at Jennylyn ay nagbigay sila ng reaksiyon sa ginawang pagpapakilala ni Governor Vi sa actress-singer.

Ayon kay Luis, "I'm very happy, siyempre.

"Si Mommy, medyo na-awkward pa nga siya, mamaya kasi, even if I announced it already sa Enpress, siyempre ayaw niya akong ipahamak.

"So, that's why nag-voice over ako ng 'girlfriend.'

"And I'm very happy na I got to introduce Jennylyn the proper way—which is my girlfriend."

Saad naman ni Jennylyn, "Siyempre, masaya po dahil kahit sino namang magulang, basta tanggap nila yung girlfriend o boyfriend nung anak nila, e, masarap yung pakiramdam."

Pero hindi maiwasang kinakabahan pa rin daw si Jennylyn kapag kaharap nito ang ina ng kanyang boyfriend.

"Nandun pa rin yung kaba dahil siyempre, medyo hindi pa naman kami ganun na nakakapag-usap.

"Pero mabait naman po, e, sobrang bait naman po talaga ni Tita Vi.

"Pero siyempre, nahihiya pa rin ako," pakli nito.

NOT ENGAGEMENT RING. First Christmas daw nina Luis at Jennylyn na magkasama bilang magkasintahan, at isang singsing ang regalo ng Kapamilya TV host-actor sa Kapuso actress-singer-TV host.

Pero paglilinaw ni Luis, "It's a simple gift, hindi po siya engagement ring, hindi siya anything else.

"It was a gift one of those things na I knew she wanted it and i got it for her as a gift."

Nahihiya pa si Jennylyn na pag-usapan ang singsing na yun, pero meron din daw siyang inihandang regalo para kay Luis.

Pero ayaw lang muna niyang sabihin kung ano ito.

BIKING. Ang isa pang magandang resulta sa kanilang relasyon, nakumbinsi na raw ni Jennylyn si Luis na mag-biking.

Pareho naman silang mahilig sa martial arts, dahil doon sila nagkakilala.

Pero ngayon ay nakahiligan ni Jennylyn ang pagtakbo at pagbisikleta kaya inengganyo rin niya si Luis na subukan ito.

Kuwento ni Jennylyn, "Dati kasi, hindi kami magkasundo sa ganyang bagay.

"Pero nagulat ako na parang gusto niyang tumakbo, 'O sige, mag-start tayo tutal may trainer naman ako, tulungan ka namin mag-bisikleta.

"Kasi yun ang problema niya, bisikleta.

"Pero soon, matututo na rin siya kaya masasabayan na niya ako sa lahat ng mga gagawin ko ngayon."

STILL A LONG WAY TO GO. Tingin naman ni Governor Vi, ini-enjoy na lang muna nina Luis at Jennylyn ang kanilang relasyon at wala pa naman daw sa isip nila ang mga seryosong plano gaya ng pagpapakasal.

Ani Governor Vi, "Alam niyo, silang tanungin niyo.

"Ako, ready any time.

"Akala naman inuunahan ko and ayoko naman na ganun lumabas.

"Basta sa akin lang, I'm happy for them, yun lang.

"Pero magka-apo o para magpakasal, sa kanila lahat manggagaling 'yan, hindi sa akin."

Saad naman ni Luis, "Matagal-tagal pa.

"Sabi nga namin, it's a first step and a long way to go.

"We still have so much more things to learn as individuals, and as a couple, so matagal pa po yun."