Thursday, February 23, 2012

Career ni Jennylyn bumubongga


SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated February 23, 2012 12:00 AM Comments (0)


Gumaganda ang career ni Jennylyn Mercado. Bukod sa nakikilala na siya unti-unti bilang isang mahusay na TV host, gagawa ito ng pelikula sa Regal na kung saan ay pumirma siya recently into a contract. Okay lang sa kanya kung sa isang pelikula na gagawin niya sa kumpanya ni Mother Lily ay makapareha niya si Dennis Trillo. Katuwiran niya ay nagkaayos na sila. Hindi man maibalik ng buo ang kanilang samahan, bilang artista ay tanggap niya ang posibilidad na makasama ang dating boyfriend sa isang proyekto.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home