Monday, February 27, 2012

Jennylyn to much sex appeal


Published : Monday, February 27, 2012 00:00 Article Views : 2
Written by : Chit Ramos

Hindi nag-aksaya ng panahon si Mother Lily nang ma-laman niyang nag-expire na ang contract ni Jennylyn Mercado sa Viva Films.

Mismong si Becky Agui-la, na manager ni Jen, ang tumawag kay Mother Lily at nagtanong kung interesado siya sa alaga.

Nagpatawag agad si Mo-ther ng mini-presscon at pina-pirma noon din ang dalagang-ina ng 18 months contract.

“At 24, handa na ako sa mga kailangang gawin pa-ra matuwa si Mother,” pahayag ng bagong contract star ng Regal Entertainment Production. “Hindi na ako puwedeng maging naïve sa roles ko dahil nasa tamang edad na ako at tamang-ta-ma na ang katawan ko sa sexy roles.”

How sexy?

“Very sexy!” mabilis na tugon ni Jen sa interview namin.

“Aware ako sa trend nga-yon na hindi lang sexy kundi daring na daring. Nakita ko ang malaking pagbabago at pagmo-move on ni Lovi Poe at hinangaan ko siya. Handa na ako!”

Payag din si Jennylyn sa torrid kissing scenes at bed scenes.

Sa 34-25-34 niyang vital statistics, napakakinis na kutis at mukhang laging naka-make-up, game na game na siya.

“Kahit noon, hindi ako mahilig mag-make-up. Pero, lagi akong natatanong kung may make-up ba ako. Ha-yon, pausuhin ko raw ang no make-up look. Blush on lang at konting lipgloss.”

Ito rin ang isang katangian ni Jen kung bakit maraming naaakit sa kanyang lalaki.

Nakaka-turn off kasi ang babaing fully made-up o sob-ra ang make-up. Hindi rin siya maarte o Inglesera. Hindi put-on ang likas niyang ugali. Hindi rin siya natatakot na umibig nang umibig dahil ligawin siya at may ma-pagpipilian.

Biro nga namin kay Jen, regaluhan naman niya ng sex appeal ang ibang magagandang babae sa showbiz na ewan kung bakit walang lumiligaw.

Imagine, the likes of Mark Herras, Patrick Garcia, Dennis Trillo. At ang la-test ay si Luis Manzano lang naman ang nagmahal sa kanya.

---

Bukod kay Luis, nariyan din ang Star for All Seasons Vilma Santos na giliw na giliw sa bagong dyowa ng kanyang anak.

Masuwerte rin si Jennylyn dahil very supportive si Luis sa kanyang movie career.

Sa totoo lang, tawag nang tawag kay Jen si Luis habang on going ang presscon na ibinigay sa kanya ni Mother Lily.

Posibleng maging heir apparent si Jen ni Anne Curtis bilang sexiest star in her two projects for Regal. Una na rito ang The Bride and the Lover.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home