Tuesday, February 28, 2012

PAREHONG HINDI na bu-mabata ang magkasinta-hang sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano, pero kahit aminado sila na mahalaga na para sa kanila ang relasyong ine-enjoy nila ngayon, hindi pa rin naman nila minamadali ang tungkol sa kanilang pagpapakasal. Nariyan kasi ‘yung muling pagbangon ng showbiz career ni Jennylyn. Pagkatapos kasi niyang isilang si Alex Jazz, gusto pa talaga niyang ipagpatuloy ang mga hindi pa niya dating nagagawa sa showbiz.

Si Jennylyn kasi ang tipo ng babae na ayaw umasa sa mga pupuwede niyang matanggap para sa kanyang anak mula sa ama nitong si Patrick Garcia. Hangga’t maaari, ang gusto ni Jen ay ‘yung kumikita rin siya sa sarili niyang sikap. Isang inspirasyon para sa kanya ang pagdating ni Alex Jazz sa kanyang buhay, kaya gusto niyang magsikap at magsipag para sa ikagaganda ng future ng kanyang anak. Aktres na si Jen, pero nitong huli ay pinagkatiwalaan na rin siya ng GMA-7 para mag-host ng programa, at nasampulan na nga siya sa Showbiz Central tuwing linggo.

Samantala, kahit nakahanda na rin si Governor Vilma Santos-Recto na maging lola, parang hindi pa ito mangyayari sa ngayon. Nasa tamang edad na rin si Luis kung gugustuhin na nitong magpakasal. Kaya lang, maganda ang katatayuan ng kanyang career bilang TV host sa showbiz, habang kumikita rin ang kanyang mga pelikula. Isa pa sa nakakawilihan ni Luis ay ang pagpasok sa negosyo kasosyo ang iba niyang mga kaibigan, kaya wala pa sa isip niya na madaliing pakasalan si Jennylyn.


ChorBA!
by Melchor Bautista

0 Comments:

Post a Comment

<< Home