Tuesday, March 06, 2012

Jennylyn napa-‘I love you Lucky’ sa harap ng ex-BF


Naaliw ako kay Jennylyn Mercado na biglang nag-“I love you Lucky” sa harap ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Herras dahil sa panunukso sa kanila ni Polo Ravales.

Nag-guest sa Showbiz Central noong Linggo ang cast ng Hiram na Puso para i-promote ang kanilang show na nagsimula kahapon sa GMA 7.

Si Jennylyn ang nag-interbyu sa cast at nakatuwaan ni Polo na biruin siya tungkol sa past nila ni Mark. Hindi naman napikon si Jennylyn dahil past is past para sa kanya at para i-prove na naka-move forward na siya, mala-Vilma Santos na nag-dialogue si Jennylyn ng “I love you Lucky.”

Natuwa at natawa ako sa ginawa ni Jennylyn na malaki na ang improvement bilang TV host. I’m sure, kung nanonood si Luis Manzano ng mga oras na ’yon, siguradong kinilig siya sa linya na naging classic dahil sa kanyang mother dear at binuhay ni Jennylyn noong Linggo.

http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96

0 Comments:

Post a Comment

<< Home