Thursday, March 08, 2012

Kuwento ng paghilom ni Jennylyn Mercado sa Front Row


March 8, 2012 11:23am

FRONT ROW's 1st Anniversary Special Series
This March on GMA News TV Channel 11

HILOM: Kuwento ni Jennylyn Mercado
Airing date: March 10, 2012

Isang taon mula nang unang sumahimpapawid ang programang Front Row ng GMA News TV, umani na ito ng ilang parangal at papuri --- dalawang nominasyon sa prestihiyosong New York Festivals, ang katangi-tanging Finalist mula sa Pilipinas sa UNICEF Asia-Pacific Child Rights Award 2011, nagkamit ng Television Journalism Award sa 1st Migration Advocacy and Media Awards, POPDEV Awards at Anak TV.

Ngayong Marso, sa pagtatanghal ng unang taon nitong anibersaryo, ihahatid ng Front Row ang natatanging kuwento ng buhay ng ilang personalidad na tatalakay sa mga pagsubok na kanilang pinagdaanan at sasalamin sa iba't ibang isyung kinakaharap ng mga kababaihan.

Sa unang bahagi ng serye, ibabahagi ng aktres na si Jennylyn Mercado ang kuwento ng nakaraan nang minsan siyang maging biktima ng pagmamaltrato at kung paano siya nakabangon upang maging matatag sa kasalukuyan. Hindi nalalayo ang kuwento ni Jennylyn sa ibang kabataan. Hanggang ngayon, patuloy na nagaganap ang mga kuwento ng pananakit at pagmamaltrato sa kanila.

Sa isang natatanging pagkakataon, sundan ang pagbabahagi ng mga aral ng nakaraan at karanasan at pagbibigay pag-asa sa kabila ng pait na kanilang pinagdaanan.

Huwag palampasin ang "Hilom" ngayong Sabado, ika-10 ng Marso, 8:40pm sa GMA News TV!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home