Thursday, March 15, 2012

Lovi at Jennylyn, magtitikiman sa pelikula



Mukhang tomboyan ang naka-line up na movie sa Regal Entertainment nina Jennylyn Mercado at Lovi Poe, huh! Ang title nito ay The Bride and The Lover na ididirek ni Joel Lamangan.


Isa ang movie na ito sa mga nakatakdang i-produce ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde. Aba, exciting makitang naghahalikan sina Jen at Lovi kung pagmamahalan ng dalawang babae ang tema nito, huh!

Naka-line up naman kay Jennylyn ang horror na Guni-Guni kasama si Isabelle na ididirek naman ni Tara Ilenberg. Kay Lovi naman, nariyan ang Ride To Love at makakasama niya sina Shaina Magdayao, Nikki Gil, Denise Laurel, Fabio Ide, JC at Ervic na si Adolf Alix naman ang director at Love Affair nila ni Enrique Gil mula sa direksyon ni Alvin Yapan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home