Thursday, March 08, 2012

Parazzi Tabloid
by Francis Simeon

AYON SA aming reliable source, nasa planning stage pa lang daw ang plano ni Luis Manzano na pasukin din ang pagiging bus operator, bukod sa pagnenegosyo ng mga taxi.

If this business plan pushes through, maaaring maging business partners diumano ng TV host at aktor sina Willie Revillame at Manny V. Pangilinan, dagdag tsika ng aming source.

Marahil pinag-aaralan na ng Wil Time, Big Time host at ni MVP ang ganitong uri ng transport business.

Aba naman, ang lucky talaga nina Gov. Vilma Santos-Recto at Edu Manzano sa panganay nila dahil sa pagiging business minded nito, huh!

Ang sey pa nga ng aming source, gusto rin sana diumano ng boyfriend ni Jennylyn Mercado na magtayo ng pawnshop na may mababang interes in the near future para makatulong sa mga taong nagigipit.

Nang makakuwentuhan namin si Luis sa Sarah G Live, ipinakita nito sa amin ang picture ng isang unit ng kanyang taxi na nasa cellphone n’ya dahil pinakulayan daw nila ito ng kanyang mga kaibigan at business partners ng kulay “pink” para alam daw agad ng mga tao na ‘yon ang kanilang taxi at dahil na rin sa may kanya-kanyang kulay talaga ang mga kilalang taxi.

Speaking of Jennylyn, true kaya ang nasagap naming tsika na maka-Nora Aunor o Noranians daw ang buong pamilya nito, hindi Vilmanians, kabilang ang kanyang Mommy Lydia?

Alam kaya nina Luis at Ate Vi ito, at ano ang kanilang mase-sey, maging ng kani-kanilang mga fans, lalo na ang mga Vilmanians?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home