Monday, April 16, 2012

ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) Updated April 16, 2012


Kapamilya aktor isasalang sa movie nina Lovi at Jennylyn

Sana matuloy ang balak ng Regal Entertainment na pagsamahin sa pelikula sina Lovi Poe at Jennylyn Mercado at sana’pag natuloy ang movie, hindi na baguhin ang story na nakuwento sa amin dahil maganda. Ganda rin ng role ng dalawa at pag-aagawan ang isang Kapamilya actor. Shooting na!

---

From Bulgar

Written by Ambet Nabus

Nakakaloka na lang din ang usapan, aba'y ganyang ganyan din ang peg ng taping ng Deal Or No Deal para sa birthday presentation ng

ampon naming si Luis Manzano, ang kinaiinggitang Brad Pitt sa Twitter World.Hahaha!

Nakasabay naming dumating sa ABS-CBN compound si Luis habang naglalakad kami patungo ng dressing room niya ay nakipagtsikahan

na kami ng magaganap.

Masaya ang matalinong anak ni idol friend Gov. Vi nang ibalita nito sa amin na mauunang kunan ang episode ni Jennylyn Mercado.

Thankful at grateful nga siya sa GMA- 7 management dahil pinayagan ang kanyang GF na maglaro at lumabas sa isang ABS-CBN show.

" Pero may deal naman yun. One of these days, ako naman ang makikita ninyo ru'n sa isa sa mga shows nila. Usapang mga managers

yun na maayos naman, tsika ni Luis sa amin.

Kasabay pa rin niya kami nang pasukin namin sa dressing room niya si Jen na naabutan naming nagpapaayos na. Binati rin namin ito

pati na ang kanyang butihing ina na nandu'n din na agad ding bineso ni Luis.

Larawan nga sila ng magkasundung-magkasundong magkasintahan. Pareho silang masayang tingnan at kahit nasa kabilang kuwarto pa

si Luis ay panay ang asikaso niya rito at siya mismo ang nagdala ng mga 'donuts', na makikimeryenda sana kami ( actually inalok

naman kami, ateng hahaha ) sa dressing room nina Jen.

Guwapong -guwapo at talagang very dignified as a host si Luis lalo pa't ang kaibigan nating si Edwin Tan pala ang nag-aayos sa kanya

at nagdidisenyo ng mga damit niya.

Naku marami pa kaming tsika na hindi pa pwedeng isulat pero pramis, pag binigyan kami ng go signal ng ampon namin, ise-share

namin sa inyo. Basta babatiin na lang namin ng bonggang- bongga ika- 31th Birthday si Luis na talaga namng isa sa most in demand

TV-host actors ng bansa ngayon!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home