Friday, April 20, 2012

PAGKATAPOS MAG-GUEST sa Kapamilya Deal or No Deal ni Jennylyn Mercado para sa birthday special ni Luis Manzano, mapapanood namin ang TV host/actor sa Showbiz Central para naman sa birthday special ni Jen sa nasabing show kung saan isa siya sa host. Nakakatuwang mapanood na ngayon ay bukas na sa paghihiraman ang mga artista mula sa magkakalabang mga istasyon, sana nga sa mga susunod na araw ay mas marami pang mga artista ang mapanood natin na nagge-guest sa kalaban nilang istasyon.
Tinanong din namin kung may katotohanan ang mga lu-mabas na balita na may balak na raw silang pakasal ni Jennylyn, ‘di naman tinago ni Luis sa amin na in passing ay napag-uusapan na nila ng girlfriend ang tungkol dito lalo’t bukas naman siya na maaaring ito na ang makatulu-yan niya. Pero siniguro sa amin ni Luis na hindi pa ito mangyayari sa ngayon, dahil ine-enjoy pa nila ng aktres ang relasyon nila bilang mag-boyfriend, may kani-kaniya silang career na inaasikaso at walang rason para magmadali sila.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA
Thursday, April 19, 2012, 18:08

---

Isa sa mga original host ng Showbiz Central ang singer-comedienne-TV host na si Rufa Mae Quinto pero lately ay lumiliit na ang kanyang exposure sa nasabing showbiz-oriented talk show ng GMA na siya umanong dahilan kung bakit ito nag-resign. May mga nagsasabi na ayaw na ni Rufa Mae magtrabaho sa araw ng linggo at focused na lamang umano ito sa kanyang Bubble Gang show at paggawa ng pelikula at maging sa kanyang itinayong negosyo. Pero may version naman na hindi na ito masaya sa SC dahil wala na siyang gaanong ginagawa magmula nang gawing permanent host sa nasabing show si Jennylyn Mercado.

Anuman ang tunay na dahilan ng pagre-resign ni Rufa Mae sa SC ay tanging siya lamang ang nakakaalam at ang pamunuan ng GMA.


RATED A Ni Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) Updated April 20, 2012 12:00 AM


---

Luis tatawid sa kalaban!

Isang espesyal na episode ng Kapamilya Deal or No Deal ang mapapanood natin bukas dahil birthday celebration ng host na si Luis Manzano. Guest sa programa ang ina ng aktor na si Governor Vilma Santos. Sa susunod na Sabado naman ay ang kasintahan ng binata na si Jennylyn Mercado ang guest sa nasabing show. Masayang-masaya si Luis dahil nakatawid sa Kapamilya network si Jennylyn para sa kanyang kaarawan. Inamin din ng aktor na nakaplano na rin ang kanyang guesting sa talk show ni Jennylyn sa GMA. “Sinabi namin ni Jen and we’re very thankful sa ABS-CBN bosses at GMA 7 bosses na bihirang mangyari ‘yon, and thank you very much na pinagbigyan kami to make my birthday more special, and to make her birthday, kasi May 15 siya, to make it a bit special,” nakangiting pahayag ni Luis.

Paano nga ba naging posible ang pagpapalitan ng guesting nina Luis at Jennylyn sa kanilang mga shows? “Sa akin pa lang, sa Deal or No Deal, nabanggit ko lang sa kanya, siguro masaya kung sasali ka diyan. Siguro naisip din ng staff, I spoke to my manager and they were very reasonable about it,” kuwento ng binata.

Samantala, maayos na maayos daw ang pakikitungo ni Luis sa anak nina Jennylyn at Patrick Garcia na si Alex Jazz. “He’s an unbelievable kid pero to go into details I would rather not dahil siyempre hindi ko lugar ‘yon para pag-usapan talaga. Kumbaga, I only have good words or praises to the kid and siyempre si Pat (Patrick) at si Jen ang dapat magsalita about that. Ayokong panghimasukan ang relasyon ng mga magulang niya,” giit pa ni Luis.

Reports from JAMES C. CANTOS

0 Comments:

Post a Comment

<< Home