Saturday, April 14, 2012

Published : Saturday, April 14, 2012
Written by : Vinia Vivar



Usap-usapan ang pagtuntong ni Jennylyn Mercado sa ABS-CBN compound last Thursday night at marami ang nagtanong kung lilipat na ba ang aktres sa Kapamilya network.

Hindi po lilipat si Jen pero first time niyang mag-guest sa isang Kapamilya show. Nag-taping siya at naglaro sa Kapamilya Deal or No Deal na hino-host ng boyfriend niyang si Luis Manzano.

Nag-guest si Jen bilang parte ng birthday celebration ni Luis na magdiriwang ng kaarawan sa April 21. Pumayag naman ang GMA-7 dahil ang agreement nila ng ABS-CBN, magge-guest din si Lucky in one of the Kapuso shows.

Nang tanungin si Luis kung saang show siya magge-guest, aniya, wala pang sinasabi sa kanya pero kumpirmado nang a-appear siya dahil ’yun ang usapan.

Pagkatapos ng taping ni Jen, episode naman ng ina ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang sunod na kinunan.

Yes, naglaro rin si Ate Vi at isiningit niya ito sa hectic schedule niya dahil birthday naman daw ng kanyang anak.

Habang naglalaro si Ate Vi ay nasa audience si Jen na kahit tapos nang kunan, nag-stay pa para panoorin ang ina ng boyfriend.

Labis namang na-appreciate ni Gov. Vi ang effort ni Jen. Nang makausap namin ang Star for All Seasons, aniya, ang maganda sa kanila ng aktres ay open ang kanilang line of communication.

“Si Jen is talagang malambing naman,” say ni Ate Vi. “In fact, ka-text ko siya, pinadadalhan niya ako ng cupcakes. I feel so comfortable with her.

“Kita mo kanina, she stayed pa kahit tapos na siya. Masarap siyang kasama kasi open ba. kasi minsan, tatawag siya, sasabihin niya, ‘tita, nag-bake ako ng cupcakes, dadalhan kita,’ you know.

“And sometimes when I need something, ‘o, Jen,’ may open kaming ganu’n (communication). Kamukha niyan, nu’ng malaman ko na guest siya, ‘o Jen, guest din ako.’

“Sabi ko, ‘can you stay?’ Sabi niya, ‘sige, I’ll stay tita.’ So, she stayed kanina kahit hindi siya nakikita sa camera.”

Kung anuman daw ang kahihinatnan ng relasyon ng dalawa ay labas na raw siya at hindi siya nanghihimasok.

“Basta I just feel comfortable with her but I don’t want to meddle kung matutuloy sila or what. But I really do appreciate because I could see kung paano siya kausap, kasi may time kami for that, nagkakausap kami.

“And for that, naa-appreciate ko kasi mas nakikilala mo. Not necessarily to meddle with their lovelife. But she’s very nice sa pagkakakilala ko sa kanya.”


Sa ngayon ay ginagawa ng aktres-politician ang pelikulang The Healing with Kim Chiu mula sa direksyon ni Chito Roño.

Nakaka-50 percent na raw sila ng shooting at kung matatapos sa oras ay sa July na ang playdate nito.

Naikuwento rin ni Ate Vi na gustung-gusto pa rin niyang gumawa ng independent film.

In fact, may pinadala na naman daw script sa kanya ang direktor na si Adolf Alix at babasahin pa lang niya ito.

“Pero mukhang interesting ’yung synopsis. Gusto ko ring gumawa ng indie, eh, why not? Lalo na kung 10 days lang, ’di ba? Kaya lang, hinahanap ko ng right timing and right script.”

Actually, laging may offer si Gov. Vi na gumawa ng indie film, pero hindi nga niya laging natatanggap dahil sa kanyang hectic schedule.

“But I’m looking forward someday na makagawa ako ng kahit isa lang na indie film,” she said.

---


Written by: Gorgy Rula


KAAGAD na pinag-usapan ang pagpunta ni Jennylyn Mercado sa ABS-CBN kamakalawa.


Nag-guest si Jennylyn sa Kapamilya: Deal or No Deal ni Luis Manzano. Para ‘yun sa birthday episode ni Luis na magse-celebrate ng kanyang kaa*rawan sa Abril 21.


Maayos daw na nagpaalam si Jennylyn sa GMA 7 at pinayagan ito.


Napag-alaman ding ni-request si Luis na mag-guest ito sa birthday episode ni Jennylyn sa Mayo sa Showbiz Central kaya bale ‘yun na ang kapalit sa guesting ng actress/TV host sa Deal or No Deal.


Kuwento ng ilang nakapanood sa taping ng game show ni Luis, kitang-kita ang sobrang kasiyahan ng actor/TV host.


Nakikita ang sobrang pagmamahal ni Luis kay Jennylyn at kahit nakikita ng lahat, panay ang halik nito sa aktres.


Kahit si Jennylyn ay tuwang-tuwa raw sa guesting na ‘yun. Natalo man si Jennylyn sa game, okay lang sa kanya dahil nakita niyang masayang-masaya si Luis.

---

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) Updated April 14, 2012


Seen : Si Jennylyn Mercado bilang guest player sa Deal or No Deal noong Huwebes.

Kabado si Jennylyn sa unang pagkakataon na pagtuntong niya sa ABS-CBN compound at ang guesting niya sa Deal or No Deal ang isa sa kanyang mga regalo sa boyfriend na si Luis Manzano.

---

c/o ehms sa igma!

From Bulgar

Written by Ambet Nabus

Nakakaloka na lang din ang usapan, aba'y ganyang ganyan din ang peg ng taping ng Deal Or No Deal para sa birthday presentation ng

ampon naming si Luis Manzano, ang kinaiinggitang Brad Pitt sa Twitter World.Hahaha!

Nakasabay naming dumating sa ABS-CBN compound si Luis habang naglalakad kami patungo ng dressing room niya ay nakipagtsikahan

na kami ng magaganap.

Masaya ang matalinong anak ni idol friend Gov. Vi nang ibalita nito sa amin na mauunang kunan ang episode ni Jennylyn Mercado.

Thankful at grateful nga siya sa GMA- 7 management dahil pinayagan ang kanyang GF na maglaro at lumabas sa isang ABS-CBN show.

" Pero may deal naman yun. One of these days, ako naman ang makikita ninyo ru'n sa isa sa mga shows nila. Usapang mga managers

yun na maayos naman, tsika ni Luis sa amin.

Kasabay pa rin niya kami nang pasukin namin sa dressing room niya si Jen na naabutan naming nagpapaayos na. Binati rin namin ito

pati na ang kanyang butihing ina na nandu'n din na agad ding bineso ni Luis.

Larawan nga sila ng magkasundung-magkasundong magkasintahan. Pareho silang masayang tingnan at kahit nasa kabilang kuwarto pa

si Luis ay panay ang asikaso niya rito at siya mismo ang nagdala ng mga 'donuts', na makikimeryenda sana kami ( actually inalok

naman kami, ateng hahaha ) sa dressing room nina Jen.

Guwapong -guwapo at talagang very dignified as a host si Luis lalo pa't ang kaibigan nating si Edwin Tan pala ang nag-aayos sa kanya

at nagdidisenyo ng mga damit niya.

Naku marami pa kaming tsika na hindi pa pwedeng isulat pero pramis, pag binigyan kami ng go signal ng ampon namin, ise-share

namin sa inyo. Basta babatiin na lang namin ng bonggang- bongga ika- 31th Birthday si Luis na talaga namng isa sa most in demand TV-host actors ng bansa ngayon!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home