Tuesday, April 10, 2012

Vilma: Luis, alagaan mo si Jennylyn


Kasunod ng Holy Week break, gugulatin ni Star for All Seasons Vilma Santos ang mga Kapamilya viewers ngayong Linggo. Siya naman ang pipili ng mahiwagang maleta sa Deal or No Deal para sa special birthday edition ng anak niyang host na si Luis Manzano.

“Lahat naman ng maleta doon, suwerte. Bahala na,” sabi ni Governor Vi. “Baka loko-lokohin na naman ako ng anak ko, lagot siya sa akin. Anak ha, behave.”

“Kukunin ko na rin ang pagkakataong ito, salamat sa lahat ng sumusuporta kay Lucky. Anak, ang galing mo! Nanay na nanay, stage mother,” aniya.

Mapupunta sa kawanggawa ang anumang mapapanalunan ni Governor Vi sa contest, na may P2 million jackpot.

May halong hamon din ang birthday wish ni Ate Vi sa anak patungkol sa makulay niyang buhay-pag-ibig.

“Jen, thank you, thank you for taking good care of Lucky. Talagang nakikita ko kung paano mo siya alagaan. And Lucky, alagaan mo rin si Jen. Hindi ako nakikialam!” sabi niya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home