Wednesday, May 23, 2012

Jennylyn babalik na sa drama


May maisasagot na kami sa mga nagtatanong na fans ni Jennylyn Mercado sa Twitter na bakit hanggang ngayon wala pang bagong drama series na ginagawa ang maganda at mahusay nang mag-host na actress? Last Monday, nagkaroon na ng story conference ang pagbibidahang afternoon prime ni Jennylyn, ang Hindi Ka Na Nag-iisa na makakatambal naman niya si Sid Lucero.

Nasa cast din sina Carl Guevarra, Frank Magalona, Saab Magalona, Krystal Reyes, Angelu de Leon, na ididirek ni Gil Tejada. Ito ang ipapalit sa Hiram Na Puso nina Kris Bernal at Mark Herras after ng 24 Oras.

Mapapanood muna si Jennylyn sa Makapiling Kang Muli na may special participation sila ni Gabby Eigenmann as the young Rio Locsin at Mark Gil, respectively, sa bagong primetime soap nina Richard Gutierrez, Carla Abellana, Sarah Labhati, Mark Anthony Fernandez, TJ Trinidad, at Ms. Gloria Romero. Directed by Ricky Davao, June 4 na ang kanilang pilot telecast.


c/o ehmina

0 Comments:

Post a Comment

<< Home