Saturday, April 14, 2012

Luis is not playing mind games with Jennylyn


Published : Saturday, April 14, 2012
Written by : Jun Nardo



ADDITIONAL blessing ang tingin ni Luis Manzano sa pagiging single parent ng girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Never naging sagabal sa kanilang relasyon ang pagkakaroon nito ng anak na si Jaz.

“It’s not detrimental. It’s not necessarily… you have another blessing…,” rason ni Luis kung saan isa sa special guests ang dyowang si Jennylyn bukod sa mother niyang si Governor Vilma Santos Recto sa taping ng birthday episode niya sa Deal or No Deal.

Ayaw nga lang niyang gawing mind game ang relasyon nila dahil sa pagkakaroon nito ng anak.

“Kasi ’pag may plano kang ibang attack, hindi na ligaw ’yon, eh. Mind game na ‘yon. Kumbaga, nagkakautakan na lang tayo, eh. Kasi ganito ka, heto ang strategy ko sa ’yo. hindi naman ganoon ang ligaw ko. Hindi ko naman mina-mapa ’yon,” paliwanag ng TV host-actor.

Na-adapt na ba niya ang dating attitude ng ina niya na to hell, walang pakialam sa mundo basta heaven ang nadarama niya?

“Hindi naman sa walang pakialam. In life, you always have to take things into consideration as far as being sensitive to others. Puwedeng to hell… puwede mong sabihin ’yon after weighing a few things. Then heaven after weighing a few things. ’Yun ang tamang proseso,” katwiran ni Luis.

Ipinagpaalam si Jennylyn sa GMA upang mag-guest sa birthday episode ni Luis. Bilang ganti, lalabas din si Luis sa Channel 7 bilang ganti ng request niya.

Ang nakakatuwa kay Jen, kahit tapos na ang episode niya, nanood pa rin siya ng taping ni Gov. Vilma.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home