Tuesday, May 15, 2012

Luis, nangako ng ‘away’ kay Jennylyn!

by Jun Nardo



Sulit na sulit ang guesting ni Luis Manzano sa Showbiz Central last Sunday dahil after ng interview ni Pia Guanio kay ­Richard Gutierrez, agad sumalang ng one-on-one ang actor sa mga tanong sa kanya ng girlfriend na si Jennylyn Mercado.


Then, niratrat siya ng intriga nina Pia, Raymond Gutierrez at John Lapus.

Natanong sa actor ang past relationships nilang dalawa. Naging prangka naman ang da­lawa sa pagsasabing hindi na nila dapat pag-usapan ang nakaraan.


Hanggang bago ma­tapos ang show, hindi pa rin pinakawalan ng talk show si Luis. No wonder, bukod sa nag-trending sa Twitter ang Jen-Luis, hataw rin sa ratings ang SC laban sa The Buzz.


Base sa ratings ng National Urban Philippines (overnight data) mula sa Nielsen Phils., ang 5th anniversary epi­sode ay humamig ng 25.9 versus 23 points ng kalabang programa. Winner din ang GMA show sa urban Luzon at Mega Manila.


Sa pahayag ni Luis, nagandahan agad siya kay Jen nang una niyang makita ang girl sa isang event.

Ang resulta ng pakiki­pagrelasyon niya ay nakakatulog at nagigising siyang may ngiti sa labi.


Nabuko agad ng ina niyang si Gov. Vilma Santos Recto na in-love ang anak niya kay Jen nang ipakilala sa kanya ito. Pati nga ang pagiging single mother ni Jennlyn, hindi problema kay Luis.


Maloko, mapagbiro at mapangbuska, ramdam na ramdam sa pahayag ni Luis ang katotohanang mahal niya si Jen, pero ipinangako niyang mag-aaway sila, pero gagawin ang lahat para matapos agad ang away, huh!


Teka, hindi porke nasa bakuran ng Kapuso Network si Luis ay may chance na silang magsama sa trabaho ni Jennylyn, huh! One time lang ‘yon bilang sukli ng guesting naman ni Jennlyn sa birthday episode ng host-actor sa Kapa­milya Deal or No Deal!


***


Jennylyn, ‘pinagaganda’ ni Luis!


by Ruel Mendoza

Sa likod ng kampanteng mga ngiti ni Jennylyn Mercado noong mag-celebrate ito ng kanyang 25th birthday sa Showbiz Central last Sunday, kinakabahan pala ito dahil nga ang kanyang special guest ay ang kanyang kare­lasyon na si Luis Manzano.


Inamin ni Jennylyn na kinakabahan siya tuwing alam niyang may mga taong pinapanood sila ni Luis. Nasanay na raw kasi siyang sila lang ni Luis ang magkasama lalo na kapag meron silang mga out-of-town trips.


Pero dahil pina­ngako ni Luis na magge-guest ito sa kanyang show dahil birthday niya, hinanda na ni Jen ang kanyang sarili sa mga mangyayari.


“Ewan ko ba kung bakit ako kinakaba­han kapag alam kong nandiyan si Mats (pet name niya para kay Luis). Kasi hindi ko alam kung ano ang mangyayari.


“Hindi ko alam kung bigla na lang niya ako patatawanin. Nandu’n pa rin ‘yung nakakaramdam ako ng hiya kapag nandiyan siya.


“Pero lagi naman niyang sinasabi sa akin na relax lang ako. Siya lang naman daw iyon. Titigan ko lang daw siya kasi alam niyang guwapo siya! Ha! Ha! Ha! Ha!” sabay tawa ni Jennylyn.


Marami nga ang pumupuri sa kakaibang ganda ngayon ni Jennylyn. May certain glow daw sa kanyang hitsura ngayon na hindi rin niya ma-explain.


“Mas maganda lang siguro ako ngayon kesa noon! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa niya ulit.


“Biro lang ‘yon, siguro mas masaya lang ako ngayon talaga. ‘Yung happiness ko is coming from a certain place sa puso ko. Kaya ‘yun ang nakikita ng maraming tao sa akin.


“Kapag masaya ka naman, makikita sa mukha mo, eh. Makikita sa mga ginagawa mo. Masaya ako kasi merong mga taong nagpa­pasaya sa akin.


“Bukod nga kay Mats, nandiyan ang anak kong si AJ (Alex Jazz), si mama (Lydia Mercado) at ang iba pang mga taong sumusuporta sa atin.


“Nagpapasalamat ako sa mga fans na hindi sila nawala kahit na noong mga panahon na sobrang bagsak ako. Nakabalik ako at narating ko ang kinatatayuan ko ngayon because of them,” ngiti pa ni Jen.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home