Saturday, April 14, 2012

Vilma at Jen, nagsalo sa pagpapaligaya sa 31st b-day ni Luis! Jennylyn, nag-ober-da-bakod sa ABS dahil kay Luis!


Jun Nardo



Paandar ang 31st birthday celebration ni Luis Manzano sa show niyang Kapamilya Deal or No Deal, huh! Sa April 21 ang eksaktong kaarawan ng TV host-actor pero nitong Huwebes, dalawang special na babae ang nag*paligaya sa kanya sa magkasunod na episodes na kinunan at mapapapanood sa magkasunod na Saturdays.

Ang girlfriend na si Jennylyn Mercado ang unang sumalang bilang player sa KDOND. Sa kasunod na episode ay si Governor Vilma Santos-Recto ang naglaro at riot ang batuhan ng punch line with matching dance number pa, huh!

Bago namin panoorin ang episode ni Gov. Vilma, nakikain muna kami sa dinner na ibinigay ni Luis sa staff ng game show. Inabutan namin siyang katabi ang dyowang si Jen at mga kaibigan sa taxi business niya na kompurtableng-komportable kahit nasa bakuran siya ng Dos na kalaban ng kinabibilangan niyang GMA Network, huh!



Matapos mag-dinner, naging accommodating naman si Luis sa press na dumating sa taping. Biro nga namin, happiest birthday niya this year ang nararamdaman niya dahil nagpagsasabay niya ang career at lovelife, huh!

“So far… Lovelife. I am celebrating with my own show. So kumbaga napakaganda na… Especially na inihanda ng Deal or No Deal sa akin,” bungad ni Luis.

Adjusted na ba siya bilang host ng show na sini*mulan ni Kris Aquino?

“Nag-e-enjoy naman ako. Ayoko namang sabihin na kampante kasi every contestant is a new experience. Kumbaga, panibagong atake na naman ‘yon sa mga contestant. But comfortable,” tugon niya.

Two parts ang birthday special ni Luis sa show at isa nga si Jen sa mapapanood na player. “Yes. It’s gonna be my Mom and si Jen,” say niya.

Paano napapayag si Jen na maging guest, eh GMA artista siya?

“Nu’ng in-offer pa lang sa akin ito, sinabi ko na talaga. I mean, napag-uusapan na namin talaga. Na ano kaya ang mangyari pag mag-guest siya. Tapos, sabi namin, oo nga, ‘no? Pero papayagan kaya?

“Kaya nga after her guesting, we’re very, very thankful sa both ABS and GMA na siyempre, hindi naman araw-araw nangyayari ‘yan! Na merong ganyang pagbibigay. Panghihiram if you will…” paliwang ni Luis sa nangyaring guesting ng girlfriend.

Ano naman ang aabangan ng tao sa performance ni Jen as player?

“Meron siyang gina*wang performance. Okey. At second, dapat talaga minsan, pinaglalaban mo ang iyong paninindigan! ‘Yun kung paano i-describe kung ano ang nangyari sa episode niya.

Pinaglaban niya ang kanyang paninindigan!” kuwento ng host-actor.

Puwede rin ba siyang mag-guest sa GMA bilang kapalit ng guesting ni Jennylyn?

“Which is fair naman. Kumbaga, napahiram nila si Jen at ipapa*hiram din ako ng ABS. Kung saan, ayokong i-preempt. Siyempre, bigyan natin ng konting ele*ment of surprise,” sambit niya.
Ano ba ang me*ron kay Jennylyn at very open siya sa relasyon nila?

“Ahhh, hindi…Siguro, ‘yung wavelength namin. Ahh, kumbaga, we laugh at the same time. We smile all the time. That’s something special. In one day, ang dami nating nakikilalang tao. But rarely do you meet someone in the exact wavelength,” katwiran ni Luis. Siya na ba ang huling babae sa buhay niya?

“Sabi ko nga, long way to go. I’m soon to be 31. Marami pa akong kailangang gawin. Siya, mas marami dahil mas marami siyang responsibility bilang ina. So I think, when push comes to shove, ang priority niya is ang pamilya niya, especially si Jaz,” paliwanag niya.

Ano ang tawag sa kanya ng anak niyang si Jaz?

“Ha? Huwag na na*ting isama si Jaz kasi bata, eh. Respeto ko ‘yon kay Jen at kay Pat (Garcia). Hindi ko pag-uusapan ‘yung kami ni Jaz. Res*peto ko na lang sa mga magulang ng bata,” pa*kiusap ni Luis.


Siyanga pala, tuloy ba siya sa pagtakbo bilang mayor ng Lipa City?

Hindi ba siya na-discourage sa sinabi ng Mom niya na kailangan muna niyang pag-aralan ang pulitika bago pumasok?

“No, no, no! Sabi ko naman…Hindi. Because I agree. The fact na I believe hindi ko kailangang mag-aral, ay huwag ninyo akong iboto. Kasi ang yabang ko naman nu’n. Kasi, ako ang unang-
unang magsasabi na ang dami kong dapat malaman. Start it from scratch!

“Ang magiging pondo ko lang siguro, is ‘yung tiwala sa Mommy ko na sinasabi ko na, sana, eh maambunan ako! Hindi ako madi-discourage kasi mas gumagawa ng ingay ang ibang tao kumpara sa akin.

“Kumbaga, hindi na ako naglalabas ng statement about me running. So kumbaga, if I wake up one day and decide to be a public servant, the rest of the world would know!” deklara ni Luis.

Bahagi rin nga pala si Luis sa box-office movie na Moron 5 & The Crying Lady na humamig ng P24M sa first two days of showing.

Nga pala, salamat din sa pagpayag niyang magamit namin ang pictures nila ni Jennylyn nu’ng bakasyon nila sa Punta Fuego last Holy Week.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home