Saturday, June 02, 2012

Jennylyn, lalaban ng buyangyangan ng alindog kay Lovi !

by Jun Nardo
Abante

Handa si Jennylyn Mercado sa anumang ipagawa sa kanya ni direk Joel Lamangan sa unang movie ng aktres this year na The Bride & The Lover mula sa Regal Entertainment.

Dinirek siya ni Lamangan sa pelikulang Blue Moon na tini-treasure ni Jen bilang isa sa ipinagmalalaki niyang pelikula.

‘Yun nga lang, sa The Bride & The Lover, mas mapangahas ang role niya dahil maiinit na tagpo kasama si Paulo Avelino ang mga nakatakda niyang gawin upang talunin ang karibal at kaibigang si Lovi Poe na kasama niya sa movie.


“Base sa story, kasalanan ko talaga! Ha! Ha! Ha! So, parang tinatanggap ko na lang. Pero excited ako dito,” saad ni Jen nang makausap namin sa story-con ng movie.


Walang problema kay Jen kung ibuyangyang niya ang kanyang alindog sa movie.
“Para sa akin, hindi ako kinakabahan. Si direk Joel, ang laki ng tiwala ko sa kanya. Saka ang dami ko ng nagawang projects at ilang beses na kaming nagsama.


“So, I’m sure, lalabas itong maganda. Kung me­ron man kaming love scenes o sexy scenes, I’m sure lalabas ito na maganda,” katwiran ng TV host-actress.


Handa na ba siyang lunukin ang mabibigat na intriga sa pagsasama nila ni Lovi sa screen?
“Sure merong darating, pero kaming dalawa, kahit papano, may pinagsamahan kami niyan.

Meron ka­ming dalawang soap na nagawa (Kaputol ng Isang awit at Little Star). Nu’ng time na ‘yon, pregnant pa ako nu’n,” sabi niya.


Ibinihagi rin ni Jennlyn ang dahilan kung bakit hindi na niya tinanggap ang pelikulang Guni-Guni ng Regal at si Lovi ang pumalit sa kanya.


“Hindi ko na rin po kasi alam kung saan ko ipapasok. Itong anak ko nga po, isinasama ko na lang. Hindi ko na po talaga kaya.


“Wala na halos akong time sa anak ko. Pamilya ko. Sabi ko, saan ko na isisingit ang Guni-Guni? Tapos, may soap pa ako, may ginagawang album at may Protégé pa po! Saka Showbiz Central at Party Pilipinas!” paliwanag ni Jennylyn.


Inuulan man ng trabaho ngayon si Jennylyn matapos mabakante ng walong buwan, feeling niya ay blessed talaga siya.


“Parang 8 months din akong nabakante, eh. So sa 8 months na ‘yon, heto ‘yung pambawi sa akin ni God! Talagang when it rains, it pours talaga!” katwiran niya.


At least, hindi naman nabakante ang puso niya, huh!
“Ay, okey lang po! Ha! Ha! Ha!” tugon ng host-singer-actress.


Paano na ang relasyon nila ni Luis Manzano ngayong puno ng trabaho ang buong linggo niya?
“Maiintindihan din po ako ni Luis dahil napag-usapan na namin ‘yung schedules.

Sabi ko, magiging busy ako. Sabi niya, ahh, magagawan ng paraan ‘yan. Puwedeng siya ang bumisita sa akin pag busy ako,” katwiran ni Jennlyn.


Makakasama rin sa The Bride & The Lover sina Mikael Daez, Tim Yap, Carlo Gonzales, Cai Cortez at ang Kitchen Musical star na si Carla May.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home