Tuesday, June 05, 2012

Jennylyn Mercado does not mind doing daring scenes in The Bride & The Lover


Ruel J. Mendoza
Tuesday, June 05, 2012 @ 07:44PM


Jennylyn Mercado is a multi-talented performer gauging by her series of projects for television and movies. Soon, she will launch her new music album, appear in a movie, and to host a game show. And yet, she still has time for sports, take of care of son AJ, and go out with boyfriend Luis Manzano.
Photo By: Noel Orsal




Magkakasunud-sunod ngayong June ang taping sa TV at shooting sa pelikula ni Jennylyn Mercado.




Sabay magsisimula ang kanyang bagong drama series na Hindi Ka Na Mag-iisa, katambal si Sid Lucero, para sa GMA Afternoon Prime; at ang pelikula niya sa Regal Entertainment na The Bride & The Lover with Lovi Poe, Mikael Daez, and Paulo Avelino.



ADJUSTMENTS. Matagal na raw hindi nakagawa ng TV series si Jennylyn kaya mag-a-adjust siya ulit sa bagong taping schedule niya.



Aniya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Three times a week kasi yung taping ng series. E, matagal akong hindi gumawa, di ba? Last ko pa was yungFutbolilits.



“Pero may special guest role ako sa Makapiling Kang Muli as the young Rio Locsin. Sa pilot week lang naman ako lalabas.



“Then yung movie, mag-start na rin at the same time.

“Gusto kasi ni Direk Joel [Lamangan] na simulan na kasi may gagawin siyang TV show sa ibang channel.



“Yung last movie na ginawa ko was Rosario, pero before that ay yung Working Girls. Pareho ko siyang nagawa noong 2010 pa.



“Tagal ko na ring hindi nakatrabaho si Direk Joel. Yung last namin was Blue Moonpa noong 2006.

“My first movie was with Direk Joel din, So Happy Together in 2004.



“First time ko naman to work sa movie with Lovi Poe, Paulo Avelino, and Mikael Daez.

“Though nakakasama ko na sila ibang mga guestings sa TV."



Ayon kay Jennylyn, "very sexy" ang theme ng The Bride & The Lover.

“Okey lang naman para sa akin kasi nagpaka-daring naman na ako noon sa movie na Rosario.

“Malaki ang tiwala ko kay Direk Joel,” kampanteng sabi ni Jennylyn.



HOSTING CHALLENGE. Sa kabilang banda, gamay na gamay na ni Jennylyn ang pagiging isang TV host at malaki ang pasasalamat niya sa Showbiz Central para sa pagbibigay sa kanya ng break.



Nasubukan pa rin ang pagiging TV host niya sa ibang shows ng Kapuso network, 'tulad ng Protégé.

At sa bagong edition ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break, kinuha ulit si Jennylyn para maging host.



Sabi ng actress-TV host, “Ako ulit ang mag-host ng Inside Protégé. Ako ang magbabalita sa mga mangyayari sa Protégé Headquarters.



“Na-enjoy ko ang pag-host no’n and masaya ako na ako ulit ang kinuha nila.



“Kung last year ay mga aspiring singers, this time, mga nangangarap maging artista… na 'tulad namin ang papasok sa Protégé Headquarters.



“Very comfortable na ako sa hosting talaga. Noon natatakot akong magsalita at baka mali-mali ang masabi ko.

“Ngayon, kampante na ako. Salamat sa Showbiz Central for giving this break.”



NEW MUSIC ALBUM. Balik-recording din si Jennylyn with a new CD album for Viva Records.

Six songs lang ang gagawin niya at sa June din niya iyon sisimulan.



“First love ko naman talaga ang singing. Kaya nagpapasalamat ako sa Party Pilipinas at pinapakanta nila ako every week.



“Kaya heto, may bagong album akong gagawin.

“Yung huling ginawa ko was two years ago pa yata titled Love Is... na under Viva Records din.



“This time, all-original songs ang ire-record ko at may isang song doon na iku-compose daw si Martin Nievera.

“Kaya excited ako to start with the recording kasi matagal ko na rin na hindi nagawa iyon.”



QUALITY TIME. Dahil sa magkakasunod na mga trabaho ni Jen, may time pa ba siya para sa kanyang anak na si Alex Jazz at sa boyfriend niyang si Luis Manzano?



“Laging may time tayo sa mga taong malapit sa puso natin,”
ngiti ni Jen.



“Si AJ, adjusted na siya sa sked ko. Pumapasok na kasi siya sa school kaya may mga iba na siyang interest ngayon. Unlike before na lagi kaming magkasama.

“Ngayon kasi, may mga friends na siya sa school at lagi naman niyang kasama ang mommy ko.



“Si Mats [pet name niya kay Luis] naman, happy siya sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa akin.

“Binabalita ko kasi sa kanya at natutuwa siya.



“Siya pa ang nagsasabi na i-grab ko lahat ‘yan kasi baka hindi na ulit maulit ang mga ‘yan.

“He’s really very supportive sa mga nangyayari sa akin ngayon.”



SPORTS BUFF. Nahilig na rin sa active sports si Jennylyn 'tulad ng diving, cycling, at tumakbo para sa ilang sports events.

Magkakaroon pa kaya siya ng time para sa mga ito?



“Naging part na ‘yan ng routine ko for myself at hindi puwedeng mawawala lahat ‘yan.



“Makakahanap din tayo ng panahon for that.



"Passion ko na ang sports kaya kung mabigyan tayo ng free time for that, yun ang gagawin ko.

“Kaya dapat maayos talaga ang schedules ko…

“Para makita ko kung saan ko puwedeng maisingit ang mga oras ko for AJ, Luis, and for other activities," saad ni Jennylyn.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home