Saturday, June 30, 2012

Jennylyn Naging Yaya Ni Luis Sa Hospital!


by Nora Calderon
PM Tabloid

Lalo yatang gumanda at sumeksi si Jennylyn Mercado nang dumating siya sa prescon ng bago niyang afternoon prime drama series na Hindi Ka Na Mag Iisa. Kaya biro kay Jennylyn, iba na raw ang in -love at lalong gumaganda.

Kinumusta rin agad sa kanya ang boyfriend na si Luis Manzano na na-confine sa hospital ng ilang iraw. Napasok sa ospital si Luis dahil dumadaing na hindi makahinga. Iyun pala may acid influx retention ito kaya ganoon. Pero okay na si Luis at nakalabas na sa hospital. Of course inalagaan niya ang boyfriend habang naka-confine ito.

Medyo emotionally draining ang kanyang role bilang si Elisa na maliit pa ay nahiwalay na sa kanyang ina dahil anak siya nito sa pagkadalaga.

Naka-relate siya sa role niya dahil lumaki siyang ampon ng kinikilala niyang ina, si Mommy Lydia. Naging battered child man siya noon, pinalaki naman siya ni Mommy Lydia sa pagmamahal nito na kabaligtaran ng role na gingampanan niya ngayon.

Natanong si Jennylyn kung ngayon ba ay nararanasan pa rin niyang mag-isa?

"Hindi na po kasi laging nariyan ang family ko, ang anak kong si Alex Jazz, na ang guwapo-guwapo, ang mga friends ko, at siyempre po si Luis." sagot ng aktres

First time na makakatambal ni Jennylyn si Sid Lucero sa afternoon prime na mapapanood na simula sa July 9, after ng Eat Bulaga.

Ayaw pang mag comment ni Jennylyn tungkol sa nalalapit na pagkawala ng Showbiz Central dahil wala pang sinasabi sa kanya.

Bukod sa drama series,magiging busy din si Jennylyn dahil siya muli ang host ng Inside Protege na magsisimula na sa July 23, para sa nalalapit na pagsisimula ng Protege The Battle For the Big Artista Break sa GMA7 na Aug 5 na ang first gala presentation.

1 Comments:

At 11:56 PM, Anonymous Anonymous said...

Hello everybody, here every person is sharing these kinds of familiarity, thus it's fastidious to read this webpage, and I used to pay a visit this webpage all the time.

my site :: Burn fat quick

 

Post a Comment

<< Home