Friday, June 29, 2012

Jennylyn, todo-alaga nang magkasakit si Luis

Joe Barrameda
Source

Hindi lang love life ang namamayagpag kay Jennylyn Mercado kundi pati na rin ang showbiz career.

Very visible si Jennylyn sa mga shows ng GMA 7 na siyang nagpasikat sa kanya.


May bagong soap si Jen na magsisimula sa July 9, ang Hindi Ka Na Mag-iisa na papalit sa Hiram Na Puso ni Kris Bernal. In fairness, mga StarStruck winner ang mga bida, huh.


Open ang relasyon ni Jen with Luis Manzano na ngayon ay nagpapagaling mula sa isang karamdaman.

Aminado si Jen na lagi siyang nasa tabi ni Luis kung libre siya sa kanyang mga commitments. Kaya sigurado kaming happy si Gov. Vilma Santos sa karelasyon ng anak na nag-aasikaso rito. Busy rin naman kasi ang magiting na Gobernadora ng Batangas.


Kasama ni Jen sa Hindi Ka Na Mag-iisa si Angelu de Leon na willing daw payuhan si Jen base sa kanyang experience from the past. Aminado si Angelu na mas mabait sa kanya si Jen at kaya babantayan daw niya ito o gagabayan habang sila ay magkasama sa project na ito.


Hindi nakadalo si Sid Lucero sa presscon na love interest ni Jen sa Hindi Ka Na Mag-iisa dahil may shooting ito ng El Presidente.


Kasama rin sa cast si Crystal Reyes na dalagang-dalaga na. Sa edad na 15 ay may cleavage na. Noong hindi busy sa showbiz career niya si Crystal ay ang pag-aaral ang pinagka-busy-han niya. At least hindi ito nainip at matiyagang naghintay ng kanyang time para magkaroon ng magandang project.


At ito na nga `yon, dahil isang dalagita na parang retarded ang role niya. Si Gil Tejada ang director ng serye.


***

0 Comments:

Post a Comment

<< Home