Friday, June 29, 2012

Puso ni Jennylyn laging gwardyado tuwing iiyak

SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated June 29, 2012 12:00 AM
Source

Hindi lamang si Jennylyn Mercado kundi lalo na ang kanyang direktor sa bago niyang panghapong teleserye na Hindi Ka Na Mag-iisa ang nag-iingat na bigyan siya ng sobrang madadramang eksena na may kasama pang iyakan dahil baka ma-trigger nito ang congenital heart disease ng aktres at magkaroon pa sila ng problema.

Nangyari na ito minsan noon nang dahil sa sobrang pag-iyak niya sa isa niyang ginagawang eksena ay bigla na lamang siyang hinimatay.

Sinabi naman ni Jennylyn na hindi na ito nasundan dahil nagti-take na siya ng maintenance pill twice a day para masiguro na healthy ang kanyang heart but just the same, umiiwas siya na masyadong umiyak para hindi na ito mag-recur.

Masyadong ma-drama ang bago niyang teleserye na kung saan ay ginagampanan niya ang role ng isang babae, si Elise, na simula sa pagkabata ay pawang pagdurusa ang nalalasap. Dahil dito ay lumaki itong hindi marunong magmahal, walang tiwala sa sarili at maging sa kapwa niya.

Sa set ng Hindi Ka Na Mag-iisa, sinabi ng cast na wala silang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Minsan nakakalimutan ni Jennylyn na maghinay-hinay dahil sa karamdaman niya pero si Direk Gil Tejada ang palaging nakakaalala nito kaya pinagagaan niya ang eksena.

Bukod sa kanyang puso, pressured si Jennylyn na galingan ang kanyang performance dahil magaling ang kanyang kaparehang si Sid Lucero.

Magsisimula nang mapanood ang Hindi Ka Na Mag-iisa sa July 9 bilang kapalit ng Hiram Na Puso at kasunod ng Eat Bulaga. Kasama rin sina Frank Magalona, Angelu de Leon, Carl Guevara, Saab Magalona, Joey Paras, Lloyd Samartino, Glydel Mercado, at Liza Lorena.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home