Saturday, July 07, 2012


ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon)


John Lapus tsugi sa papalit sa Showbiz Central

Tama ba kami na may kinalaman sa pagkawala ng Showbiz Central at sa ipapalit ditong bagong showbiz talk show ang tweets ni John Lapus?

Tweets nito: “Some good things never last. But I’m so excited for the things to come” at “When God closes a door, He opens a window. Ano kaya ang nasa window?”

Wala pang official na announcement ang GMA 7 pero may tsikang sa bagong showbiz talk show ng network, hindi na kasama si John. Sina Jennylyn Mercado, Raymond Gutierrez, at Regine Velasquez na ang magiging host ng show.

Birthday ni John this Saturday at siguro naman, may birthday celebration siya bukas sa Showbiz Central. Nakalulungkot lang na last birthday celebration na niya ito sa show na up to July 29 na lang sa ere.

Anyway, may show pa naman sa Channel 7 si John, patuloy siyang napapanood sa Makapiling Kang Muli at marami ang natutuwa sa role niyang si George.



1 Comments:

At 11:24 PM, Anonymous Anonymous said...

I was recommended this blog through my cousin. I am no longer sure whether or not this publish is written via him as
nobody else understand such distinct about my
trouble. You are amazing! Thank you!

Also visit my site :: cellulite treatment cream

 

Post a Comment

<< Home