Friday, July 27, 2012

Jennylyn laughs off 'Live-in' issue

Published : Thursday, July 26, 2012 00:00 Article Views : 263
Written by : Nitz Miralles
source

Nakangiti si Jennylyn Mercado nang sumagot ng “may bahay ako, may anak ako at ’di nga ako nakakauwi ng bahay” sa tanong kung live-in sila ni Luis Manzano sa presscon ng H.O.T. TV.

Hindi siya nagalit, nagtaka lang kung bakit may ganitong tsismis at inisip na lang na dahil open silang mag-express ng feelings.

Sa Twitter nga, panay ang pag-a-“I love you” ng mag-matsmats lalo na ngayong may sakit uli si Luis at naka-confine sa ospital.

Acid reflux ang sakit nang unang ma-confine si Luis, muli kaya itong sinumpong?

Pinaka-busy si Jennylyn ngayon sa rami ng TV shows dahil bukod sa H.O.T. TV, may Inside Protégé at Hindi Ka Na Mag-iisa pa siya, magpo-promote ng album at ginagawa ang The Bride and The Lover ng Regal Entertainment.

Dasal nito, hindi siya magkasakit para magawa ang lahat ng trabaho niya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home