Monday, July 02, 2012

Jennylyn: Lucky with Lucky

Published : Monday, July 02, 2012
Written by : Noel Asiñas
Source


NATUTUWA si Jennylyn Mercado na madaling napalapit ang anak niyang si Baby Jazz sa boyfriend niyang si Lucky Manzano. Mahilig sa bata si Lucky kaya madaling nagkasundo ang dalawa.

Sabi nga ni Jen sa presscon ng Hindi Ka Na Mag-iisa, ang bagong afternoon drama ng GMA7 na kapalit ng Pahiram na Puso, "very Lucky" siya sa anak nina Gov. Vilma Santos at Edu Manzano na si Lucky.

Dahil kay Lucky, maraming pagbabago ang nangyari sa kanyang buhay. Hindi na siya sakitin, bagkus malusog na’t sexy and fit siya ngayon.

Inspired pa si Jen na gawin ang lahat ng kanyang assignment.Bukod sa Hindi Ka Na Mag-iisa, may movie pa siya sa Regal Films na ididirek ni Joel Lamangan. Makakasama ni Jen sa cast sina Lovi Poe at ang baguhang actor na si Benjamin Alves, ang pamangkin ni Piolo Pascual na pumalaot na rin sa showbiz.

Sa bagong soap, Hindi Ka Na Mag-iisa, naiibang role ang gagampanan ni Jen, siya ang mag-aaruga sa kapatid na retarded na gagampanan ni Crystal Reyes.Kapartner ni Jen sa soap si Sid Lucero.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home