Tuesday, July 24, 2012

Jennylyn Mercado, may payo sa mga kalahok sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break


July 24, 2012 5:41pm

Kaliwa't-kanan ang mga proyekto ng first female Starstruck winner na si Jennylyn Mercado ngayong taon. Kabilang siya sa mga host pinalaking Protégé kung saan ihahatid niya ang mga inside story sa naturang kompetisyon.

Bilang grand winner sa kauna-unahang batch ng talent search contest ng GMA 7 na Starstruck, may payo ang aktres sa mga nangangarap na sumunod sa kanyang yapak.

"Kailangan siguro galingan nila. Mahalin nila 'yong craft nila at 'wag silang matigas ang ulo at sumunod sa mga mentor," pahayag ni Jennylyn sa ulat ni Aubrey Carampel sa Balitanghali nitong Martes.

Ipapakilala sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break ang mga nangangarap na sumali sa bagong talent search contest ng GMA-7.

Ayon sa aktres, "Makikita niyo na po kung ano ang mga kaganapan, ang mga audition, at kung sino ang mga Top 20 para po sa Protégé."

Dagdag pa ni Jen, nakita na niya ang ibang mga finalist na maninirahan sa Protégé headquarters at tinitiyak niyang mahihirapaan ang judges sa pagpili ng mananalo.

"Maraming magaganda. Siyempre, 'yon ang una mong makikita, 'yong physical appearance. Nakita ko marami talagang magaganda. Maraming gwapo, matatangkad, matitipuno, at lahat na," ayon kay Jennylyn.

Sinabi niya na hindi nagkamali ang mga judge o mentor sa napili nilang mga protege.

Bukod sa Protege, napapanood din ang aktres sa afternoon soap na Hindi Ka Na Mag-iisa, bagong talk show ng HOT TV, at pelikulang The Bride and the Lover.

Mapapanood ang Protégé: The Battle for the Big Artista Break sa GMA-7 tuwing gabi. Kasama rito bilang mga host sina Carla Abellana, Dingdong Dantes at Maxene Magalona.

Sina Roderick Paulate, Gina Alajar, Jolina Magdangal, at Phillip Salvador naman ang mga mentors habang sina Bert De Leon, Annette Gozon-Abrogar, Joey De Leon, at Cherie Gil naman ang tatayong judges. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

0 Comments:

Post a Comment

<< Home