Tuesday, July 24, 2012

Jennylyn, nagi-guilty sa anak

Ni GORGY RULA
source

MEDYO sexy ang la­test pictorial ni Jennylyn Mercado sa Belomed dahil skincare ang bago niyang ini-endorse kay Dra. Vicki Belo.

Ang laki ng iginanda ni Jennylyn at fit na fit ang katawan niya kaya tinanong namin kung nakabakod ba si Luis Manzano sa kanya para hindi siya maporma­han ng iba.

“Wala pong ganu’n. Alam naman nila na may boyfriend ako, kaya wala naman po,” pakli ni Jennylyn.

Hindi raw nagseselos si Luis at hindi raw isyu sa kanila ang selos.

Mga petty things lang daw ang pinagtatalunan nila minsan ni Luis, pero wala raw selosan sa kanilang dalawa. Kaya masaya raw siya at walang problema sila ni Luis.

Ang medyo nagi-guilty siya ay sa kanyang anak na si Alex Jazz dahil sa sobrang puno ng schedule niya, medyo nagkukulang siya ng oras para sa kanyang anak.

Mabuti at nandiyan si Mommy Lydia na naka­tutok sa bata.

Nang tinanong namin si Jennylyn tungkol kay Patrick Garcia, umatras siya ng konti na parang ayaw niya itong pag-usapan.

Napag-alamang medyo matagal-tagal nang hindi nagpapakita si Patrick sa kanilang anak pero iniiwasan ito ni Jennylyn na pag-usapan.

“Wala na kaming ba­lita, eh. Ayokong magsalita pero wala na ka­ming nababalitaan recently.

Hindi ko talaga alam, eh. Hanggang hindi pa namin nalalaman kung ano talaga ang rason, hindi ko pa nasasabi,” pahayag ni Jennylyn.

Tinanong namin kung nagkulang ba si Patrick sa pagbibigay ng suporta sa kanilang anak.

“Ayoko talaga mag-ano, kasi, hindi ko ta­laga alam kung ano ang mga nangyayari. Iwas na lang muna ako sa issues as long as hindi ko pa talaga alam kung ano ang rason. Iwas na lang muna ako sa negative issues,” sagot ni Jennylyn.

Ayaw niyang magkaroon pa ng intriga at baka pag-awayan pa nila ito ng pamilya ni Patrick kaya mabuting huwag na lang siyang mag-comment.

Bukod sa mga ganitong pictorial para sa mga endorsement ni Jennylyn, kasama si Jennylyn sa HOT TV na magsisimula sa August 5.

Andiyan din ang Inside Protégé na hinu-host niya at meron pa siyang regular taping sa Hindi Ka Na Mag-iisa. May Party Pilipinas pa siya tuwing Linggo.

Kung sa GMA studio lang ang trabaho niya, isinasama na niya si Jazz para may oras na makasama niya ang bata.

Natutuwa siya at ma­laki na ang improvement ng bagets. Patuloy pa rin ang therapy nito sa speech.

Iyun lang daw ang problema sa anak niya na medyo mabagal ang speech improvement kaya nandiyan pa rin daw ang regular therapy nito para tuluyan nang gumaling.

Samantala, katatapos lang pala ni Jennylyn mag-pictorial sa Bench Body kung saan first time niyang mag-pictorial nang naka-underwear.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home