Friday, July 20, 2012

Mga artista ng GMA-7, may dapat matutuhan kay Jennylyn

ni Dindo M. Balares

source

Si Jennylyn Mercado ang may longevity sa lahat ng naging produkto ng Starstruck.

Nahihirapan ang iba pang winner ng naturang artista search na mapanatili ang kanilang ningning, pero hindi si Jennylyn.

Hindi siya nawawala sa sirkulasyon, lalong hindi nawawalan ng trabaho. Tuluytuloy ang kanyang projects.

Bukod sa hosting jobs sa Protégé at showbiz talk show, bida siya ngayon ng GMA Afternoon Prime teleserye na Hindi Ka Na Mag-Iisa.

Sa palagay ko ay may dapat matutuhan ang ibang GMA talents kay Jennylyn. Bukod sa marunong mag-alaga ng sarili, maganda, seksi at mabango (kahit itanong n’yo pa kay Luis Manzano), may pleasant attitude si Jen na wala sa marami sa kanila.

***

0 Comments:

Post a Comment

<< Home