Saturday, July 14, 2012

Nagsimula nang umere ang bagong panghapong serye ng GMA-7 na Hindi Ka Na Mag-Iisa kung saan magkapareha sina Sid Lucero at Jennylyn Mercado.

At maganda naman ang dating sa mga viewers, lalo na sa chemistry nina Sod at Jennylyn, na pinatotohanan naman ng aktor.

“It’s nice to work with Jen,” sabi ni Sid nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, July 8.

“We’re actually gonna be working together on the same scene all the time.

“It’s more comfortable na nga now, e. Kasi we’ve already worked twice.

“Yo’ng first was… I think sa Starstruck Playhouse, like… ten years ago. Something like that,” sabay ngiti niya.

“And since nagkatrabaho na nga kami dati ni Jen, we’re already friends. So it’s easier to play on the scene.

“Masarap siyang katrabaho. She’s really light. Kahit hanggang sa umaga.

“Kahit puyat na lahat, with her, everything is still funny. Of course… tired. Pero it keeps the energy flowing.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home