Sunday, July 22, 2012

Published : Sunday, July 22, 2012
Written by : Jun Nardo
source


NAG-EXCUSE muna talaga si Jennlyn Mercado sa taping niya ng Inside Protégé upang dalawin sa ospital sa boyfriend niyang si Luis Manzano. Limang araw nanatili sa ospital ang boyfriend ni Jen sanhi ng acid reflux na nadama niya.

Lahat nga halos ng tests ay ginawa kay Luis dahil hindi agad na-detect ang tunay niyang karamdaman. Nangyari ito sa taping ng Kapamilya Deal or no Deal kung saan hindi niya natapos ang second episode.

Ngayon ay nakalabas na ang ospital si Luis at nagsu-shooting na ng movie niya with Toni Gonzaga habang si Jen, ang shooting ng The Brider & The Lover ang sinimulang isyinut kahapon kung hindi pinigil ng bagyo, huh!

Bukas, July 23, ang simula ng Inside Protégé na mapapanood after One True Love sa ganap na 10 p.m. Sa August 5 naman ang gala night ng pinakamalaking search for artista!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home