Friday, August 03, 2012


PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) Updated August 03, 2012


PAK: Nag-react si Jennylyn sa isa pang tsismis na pinagseselosan daw ito ng girlfriend ni Patrick Garcia kaya madalang na dumadalaw ang aktor sa kanilang anak na si Alex Jazz.

“Hindi ko pa naman po siya (Patrick) nakikita. Hindi pa po kami nagkakilala,” sabi ni Jen na ang huli ay girlfriend ni Patrick ang tinutukoy.

“Saka walang basehan para magselos kasi may boyfriend naman po ako. Saka kung meron mang isang nagba-bond sa amin ni Patrick, ay si Jazz ’yun. So, huwag siyang mag-alala kasi wala naman dapat talagang ipagselos.”





BOOM: Napabalita na rin ang panloloko na naman kay Jennylyn ng P300,000 ng isang kaibigan kaya hindi na siya matutuloy sa pagsali sa isanng triathlon event sa Cebu sa Linggo.


Best friend pa naman niya itong babaeng tumangay ng perang gagamitin sana pagbili ng plane tickets nila pa-Cebu pati hotel accommodation sa Shangri-La Mactan.

Kasama niya kasi ang buong pamilya at pati si Luis Manzano pero naunsyami na nga ito dahil sa panloloko ng kanyang best friend.

Ayaw banggitin ni Jennylyn kung sino ang kaibigan niya. Pero sabi ni Becky Aguila na manager ni Jennylyn, kung hindi tutuparin ng kaibigan ng aktres na ibalik ang pera ngayong araw na ito, mapipilitan silang sabihin kung sino siya at baka may legal action silang gagawin.

Ayaw na sana ni Jennylyn palakihin pa ang isyu dahil kaibigan naman niya ang involved. Pera lang daw iyon na kikitain pa rin naman niya. Ang masakit dito, sinira ng kaibigan ang buong pagtitiwala ni Jennylyn sa kanya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home