Monday, September 03, 2012

Ayaw lang magsalita, Jennylyn alam na ang pagbubuntis ng GF ni Patrick

PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) Updated September 01, 2012 12:00 AM

source


BOOM: May isang taong malapit kay Patrick Garcia ang nag-react sa isyung nabuntis nito ang kanyang girlfriend. itinanggi ito ni Patrick, pero nag-text sa amin ang isang taga-showbiz na ang pagkakaalam daw niya, apat na buwang buntis ang girlfriend ng aktor.

Hintayin na lang daw na aminin ito ni Patrick dahil hindi naman daw niya ito maitatago forever.

Duda namin alam na ito ni Jennylyn Mercado pero ayaw magsalita ng actress/TV host, at ayaw niyang makisabay sa isyu ng dating kasintahan.

Mabuting si Patrick na lang daw ang magsalita kung ano talaga ang totoo sa isyung ito.


------


Gusto nang mag-asawa: Patrick iiwan na ang anak kay Luis


SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated September 03, 2012 12:00 AM

source

Aminado si Patrick Garcia na hindi na siya bata at gusto na niyang magseryoso sa buhay. In two or three years time ay gusto na niyang mag-asawa. Meron na siyang babaeng natagpuan na puwede niyang pakasalan. Masaya naman niyang iiwan ang kanyang anak sa kandili ni Jennylyn Mercado na alam niyang masaya sa piling ni Luis Manzano.

Kung sino sa kanila ang mauunang mag-asawa ay hindi na mahalaga. Ang importante ay alam niyang maiiwan niya ang mag-ina sa piling ng isang mapagmahal at responsableng lalaki. Masaya na siya na pinapayagan siya ni Jennylyn na dalawin ang kanilang tatlong taong gulang na anak anumang oras na gustuhin niya. Lahat ng pangungumusta niya sa bata ay malayang ipinagkakaloob sa kanya ng ina ni Jennylyn.

Updated siya sa estado ni Alex Jazz. Inaasahan niya na anumang pagbabago sa kanyang buhay ay hindi makakaapekto sa magandang relasyon nila ng kanyang anak at maging ng ina nito. Aminado si Patrick na ang anak ang malaking impluwensiya niya sa pagbabago ng pananaw niya sa buhay.

Hindi iiwan ni Patrick ang kanyang pag-aartista. Pero hindi rin niya iaasa ng buo ang kanyang buhay dito. Marami siyang pinaplanong negosyo na isasagawa kasabay ng kanyang paglagay sa tahimik. Sa ngayon, patatatagin muna niya ang kanyang buhay habang binata pa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home