Monday, September 03, 2012

by Gorgy Rula

source

MAY nag text sa amin tungkol sa pagtanggi ni Patrick Garcia na nabuntis niya ang kanyang non-showbiz girlfriend.

Unang tanong kay Patrick nang umapir ito sa fashion ng Lee Cooper kamakailan sa Resorts World, totoo bang may anak na siya sa kasalukuyan niyang girlfriend?

“Wala po. Wala po,” mabilis na sagot ng aktor.

Tinapos na agad ni Patrick ang isyu dahil ayaw na raw niyang pag-usapan pa ang mga personal na isyu nito.

Nang isinulat namin ito, kaagad nag-react ang isang taong kilalang-kilala si Patrick.

Buntis daw talaga ang girlfriend nito na maaring dala ng paglilihi nito kaya medyo nagseselos ito kay Jennylyn Mercado.

Ang pagkakaalam daw niya, apat na buwang buntis ito pero tahimik lang ang girl. Hindi ito naglalabas at hindi nito ipinangangalandakang nabuntis siya ng aktor.

Sinubukan naming hingan ng reaksyon si Jennylyn dahil kung totoo ito, magkakaroon na pala ng kapatid si Alex Jazz.

Ayaw magsalita ng actress/TV host dahil isyu raw ito ni Patrick at wala na siyang kinalaman du’n.

Ayaw din niyang sagutin ang kuwentong nakarating sa aming nagkita na raw sila nitong girlfriend ng aktor.

Safe ang sagot ni Jennylyn tungkol sa pakikitungo ni Patrick sa kanilang anak. Sinisikap daw nitong maging maayos na ama sa kanilang anak kaya tahimik na lang siya.

Regular daw na kumokontak si Patrick sa Mommy Lydia niya, at nagpakita ito nu’ng nakaraang kaarawan ng bagets.

Ewan kung magsasalita pa rin si Jennylyn sakaling totoong buntis ang girlfriend ni Patrick.

Nang nilinaw ng HOT TV kay Jennylyn kahapon ang isyung ito tungkol kay Patrick, iniwasan pa rin niya itong sagutin.

Ang concern lang daw niya ay ang kanyang anak na si Alex Jazz. Kung ano man daw ang latest na nangyayari kay Patrick, out na raw siya roon.

***

0 Comments:

Post a Comment

<< Home