Saturday, September 29, 2012

Hindi kami nagkakalabuan ni Jennylyn -- Luis


SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated September 29, 2012

source

Samantala itinanggi ni Luis Manzano na nagkakalabuan na sila ni Jennylyn Mercado. Sinasabi ng marami na bunga ito ng pagkakasangkot ni Jennylyn sa hiwalayang Paolo Contis at Lian Paz. Kahit inabswelto na si Jennylyn ng dalawang naghiwalay, sinasabi pa rin na naapektuhan ang relasyon nila ni Luis ng mga pangyayari.

“Hindi ito totoo, Hindi kami nagkakalabuan, not  even for a single day,” paniniyak ni Luis.


--------


“Walang labuan factor sa amin ni JENNYLYN!” --LUIS

by Jojo Gabinete

source

Ang presscon ng This Guy’s In Love With You Mare ang na­ging venue ng paglilinaw ni Luis Manzano na may problema ang relasyon nila ni Jennylyn Mercado.

“Once and for all, walang labuan factor, not a single day na nagkaka­labuan kami,” ang walang pa­liguy-ligoy na paliwanag ni Luis. Idinagdag pa niya na “mas si­gurado pa sila sa amin” na patungkol sa mga tao na nagsasabi na “nagkakalabuan” sila ng kanyang girlfriend.

Ang clarification ni Luis ang inaa­sahan na tutuldok sa mga isyu na may kinalaman sa relasyon nila ni Jennylyn. Pagkatapos ng kanyang denial, makabubuti rin na talasan ni Luis ang kanyang pakiramdam dahil baka nasa paligid lamang niya ang tao na source ng balita na may mga pinagdaraanan ang pagsasama nila ng kanyang girlfriend.


--------


Luis 'confronts' Lian

Luis denies he and Jennylyn are breaking up

Luis: Jennylyn and I are still together

0 Comments:

Post a Comment

<< Home